Chapter 8 "Pair activity"

56.6K 2.6K 312
                                    

"Itataas mo sa part na 'to." Pagtuturo ni Yngrid sa papel na kanyang hawak habang nagkakaroon kaming dalawa ng vocal session. Tinutulungan ako Yngrid.

Araw ng sabado ngayon at mabuti na lamang at wala kaming klase. Nagpapasalamat din ako kay Yngrid dahil sobrang tutok siya sa pagtuturo sa akin, mupa sa pinakamaliliit kong mistakes papunta sa mga bagay na usually ako nagkakamali. Isa ring nakakatulong na factor eh ang pagiging prangka ni Yngrid at mabilis niyang napo-point out ang pagkakamali ko.

"Abot mo ba 'to? Kung hindi eh bababaan mo na lang." Pagtuturo ni Yngrid sa ispesipikong lyrics.

"Aabutin ko. Nakakahiya naman kasi sa ka-partner ko na saksakan ng hanging at yabang" Hindi ko maiwasang ma-bad mood sa tuwing sasagi sa isipan ko si Frost. Bakit ba ang daming nagkakagusto sa kanya sa kabila ng sobrang gaspang ng ugali niya. Kasi cool siya? Eeeew!

"Sino ba kasi 'yang ka-partner mo?"

"Isang aroganteng lalaki lang. No need to know him kasi after this activity eh sisiguraduhin kong mapuputol na ang kahit anong koneksyon naming dalawa. This is the first and the last pair activity na magsasama kami." Napakuyom ako ng palad dahil sa panggigigil.

"Okay, sabi mo eh." Iginilid ni Yngrid ang papel. "Magpahinga ka muna. Huwag mong i-overuse 'yang boses mo lalo na't hindi pa ito sanay. Huwag kang iinom ng kahit anong malamig hangga't hindi tapos ang activity ninyo."

Mabait naman talaga si Yngrid, iba lang ang nagiging interpretation sa kanya ng mga tao dahil sa sobrang prangka niya. Kung ano yung tumatakbo sa kanyang isipan ay kanyang sasabihin. "Salamat ulit Yngrid sa pagtulong ah"

"Nope, hindi kita tinutulungan dahil give and take ang mangyayari. I really trying my best para turuan ka at umaasa ako na ganoon ka rin sa akin pagdating sa academics" Iyan ang sinabi sa akin ni Yngrid, kinuha niya ang shoulder bag niya at naglakad palabas. "Pupunta akong mall, pagbalik ko ay tulungan mo naman ako sa academics ko"

Nagsara ang pinto at tinignan ko ang papel kung saan nakasulat ang lyrics, talagang ma-effort si Yngrid sa pagtuturo dahil nilalagyan niya ng pataas na arrow ang specific lyrics kapag kailangan itong itaas samantalang down arrow kung kinakailangan itong ibaba. Sa kalahating araw na pagtuturo niya ay pansin ko na agad ang pagbabago sa pagkanta ko, hindi na siya monotonous kagaya nung kahapon.

Isang oras ako nag-practice mag-isa bago ko napagdesisyunan na lumabas muna ng dorm upang lumanghap ng sariwang hangin. Agad kong natanaw ang marching band na nagpa-practice ng kanilang piece. Bago ako lumabas ng campus ay saglit akong dumaan sa wishing fountain upang mag-wish.

Dumukot ako ng pisong barya sa bulsa ko upang ihagis ito doon. "Sana maging ayos ang performance namin ni Frost sa monday" Nakangiti kong bigkas bago itapon sa wishing fountain.

Naglakad na ako palabas ng school namin. Dahil sabado ngayon ay hindi ako nakasuot ng uniform namin, sobrang takaw pansin ng mga uniporme namin kapag nasa labas kami ng campus, para bang isang elite student ang turing sa amin ng ibang estudyante galing sa ibang school.

Tumungo ako sa malapit na convenience store upang bumili ng cup noodles at doon ko na rin balak kainin. Habang namimili ng flavor na aking kukuhanin ay may isang lalaki na biglang tumabi sa akin. Nakasuot ito ng mahabang kulay brown na coat, nakasuot ng beanie, at nakasuot ng nose mask. Napakunot ang noo ko. Magnanakaw ba ito?

Mabilis akong kumuha ng cup noodle at pumunta sa counter. Bandang alas singko na ng hapon kaya naman iilan lamang ang tao rito sa convenience store. "Bayad po," Sabi ko. "Kuya mukhang magnanakaw yung taong naka-mask na 'yon?"

Ituturo ko sana yung lalaki kaso ay nagulat ako nung wala na siya sa kaninang puwesto niya at nasa tabi ko na siya. Tina-tap niya ang daliri niya sa may counter habang ako ay napakagat ng aking labi. Jusko Cindy! Ang clueless mo kahit kailan.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon