Chapter 21 "Family day"

52.5K 3.1K 351
                                    

Gaya nga ng aking sinabi ay kinagabihan, umuwi ako sa Bulacan, it's been a long time since yung huli kong uwi. Last month pa yata iyon. Nung naglalakad na ako sa kanto namin ay nakita ko ang isang malaking tarpaulin na nakasabit sa arko ng aming baranggay.

"We are proud of you Cindy Gonzales."

Iyan ang nakalagay. Hindi naman grand welcome ang nagaganap ngayon, parang sinasabi lang talaga na proud ang nga ka-baranggay ko na nakarating ako sa Music Academy at nakapag-perform na napanuod ng libo-libong tao sa Pilipinas.

Naglakad ako pauwi sa amin, may mga bumabati sa akin at ngumingiti naman ako sa kanila. Dati ay isang nobody lang ako rito sa Baranggay namin pero right now, halos lahat sila ay napapansin ang existence ko.

"Oh Cindy!" Masiglang bati sa akin ng kapit bahay-- si Aling Prtring. Suot na naman niya ang paborito niyang bestidang asul na may bulaklaking disenyo, medyo kulubot na rin ang balat nito dala ng katandaan. Muli na naman niyang kinulayan ng itim ang kanyang buhok upang magmukha raw bata. "Napanuod ko ang performance mo nung nakaraang araw! Ang galing-galing mong bata ka!"

Napangiti ako kay aling Petring. "Salamat po," Kumatok ako ng makailang ulit sa pinto ng aming bahay ngunit wala pa ring nagbubukas. "'Ma! Nandito na ako!" Malakas kong sigaw at nagbabaka-sakali na marinig nila ako. Bandang alas-nueve na rin kasi ng gabiat baka sila'y natutulog na sa pagkakataong ito.

"Hija, hinahanap mo ba ang mama mo?" Pagtatanong sa akin ni Aling Petring kaya napatango-tango ako. "Dinala siya sa ospital diyan sa bayan kaninang umaga." Pagtsi-tsismis sa akin ni Aling Petring dahilan upang mabitawan ko ang malaking kong bag na bitbit. I'm not being O.A, nakakagulat lang talaga na nasa ospital si mama samantalang nagawa niya pa akong i-text kahapon pagkatapos ng performace.

"H-ha? Wala naman po silang sinabi sa akin na na-ospital si mama? Bakit daw po na-ospital?" Pagtatanong ko at lumapit kay Aling Petring. Kaya naman pala kahit anong sigaw ang gawin ko sa tapat ng bahay namin ay wala talagang tao na lalabas dito.

"Hindi ko alam ang dahilan pero mas mabuti kung pumunta ka sa ospital sa bayan."

"Sige po," Tatakbo na sana ako paalis nung maalala ko ang mabibigat na bag na aking bitbit. "Aling Petring, paiwan po muna nung bag ko. Balikan ko na lang po pag-uwi ko."

"Oh sige, mag-iingat kang bata ka sa biyahe." Paalala sa akin ni Aling Petring at kumaripas na ako ng takbo paalis, agad akong tumakbo tungo sa kanto at pumara ng jeep.

Nakakapag-panic lang sa loob-loob ko dahil wala akong ideya na isinugod pala sa Ospital ang mama ko, kung alam ko lang sana, ade sana ay maaga akong umuwi.

Narating ko ang Provincial Hospital ng aming Bayan, habang papasok ako sa loob ng ospital ay nakita ko na agad ang kapatid kong si Caleb na nakatambay sa labas ng ospital. "Oh! Ate! Nandito ka na pal--"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Caleb dala ng aking kaba. "Bakit na-ospital si mama? Ba't hindi ninyo man lang ako sinabihan?" Kung sinabi lang talaga nila agad ay hindi ako magsasaya kanina sa Star City bagkus ay madali akong uuwi.

Caleb raise his hand na parang pinapakalma ako, "Chill lang naman ate! Nilalagnat lang si mama kaya isinugod dito sa ospital." He stated at mabilis akong napabuntong hininga at na-realize kong nag-panic ako sa wala.

"Eh lagnat lang pala! Bakit kailangan pang isugod? Madadaan naman 'yan sa mga gamot." Pagrereklamo ko.

"Alam mo naman si papa..."

"Praning." Sabay naming sabi ni Caleb at napatawa kaming dalawa. "Ate na-miss kita! Walang unggoy na gumagala sa loob ng bahay, eh."

"Bwisit ka talaga!" Sabi ko at malakas na binatukan sa ulo ang kapatid ko. "Wow! Parang ang manly mo ngayon ah! Nagbago ka ng hairstyle?" Medyo tumangkad si Caleb at bahagyang tumaba.

Music AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon