Chapter 1

781 5 0
                                    

       

Nakabihis na ko't lahat. Paalis na din ako ng bahay.

'Papunta na ko. Love you babe' -text ko sa kanya.

Fortunately, hindi traffic ang dinaanan ko papunta sa resto. Kalahating oras din ang aga ko sa napag usapan naming oras. Pumuwesto na ako sa table for two na pinareserve niya.

Isang oras na nakakalipas pero wala pa din siya. Traffic siguro.

"Are you ready to order?" umiling ako. Naka ilang balik na din 'tong si kuya. Nakakailang baso na din ako ng wine.

Ang sakit na din ng pwet ko sa tagal kong naka upo at naghihintay. Ilan ng tao yung natapos kumain sa paligid ko wala pa din si Kyle. Sinubukan ko tawagan pero walang sumagot. Lahat na din ng social media niya nag message ako pero walang reply kahit isa. Isang oras pa Ashley. Baka natraffic lang yun.

"Are you ready to-" pinutol ko pagsasalita ni kuyang waiter na nakailang milyong balik na sakin.

"Alis na ko kuya. Bigay mo nalang bill ko" sinabi ko with a calm tone.

Pagkabayad ko umalis agad ako. Sumakay ng kotse at pinakalma sarili ko. Sinubukan ko ulit tawagan si Kyle.

"Fucking answer the phone"

'The number you have dialed-' binato ko phone ko sa gilid. Naiyak na ko sa galit.

Nag drive ako papunta sa pinaka malapit na bar. Kahit madaming tao tumuloy pa din ako sa loob. Kahit natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin dito tumuloy pa din ako. Umorder agad ako ng isang bote ng jack daniel's. Di ko na din inisip kung paano ako makakauwing lasing kasi kailangan ko pa mag drive. Bahala na.

Di man ako makapaniwala sa sarili ko pero nakalahati ko na yung laman ng bote.

"hi" pang ilan na 'tong nag hi sa akin.

"I don't accept money for sex. May dignidad pa din ako kahit lasing" tumawa lang siya. Nilayo niya yung bote ng jack daniel's sakin. Pinigilan ko pero kinuha niya.

"I'm Ricci" inoffer niya yung kamay niya. Di ko siya pinansin.

"Akin na nga yan" kinukuha ko sa braso niya yung bote.

"Ano muna pangalan mo?"

"Bakit ka ba interesado sa pangalan ko?"

"I'm Ricci. You are?"

"Kapag sinabi ko ba titigilan mo na ko?"

"Ibabalik ko na sayo 'tong bote mo" tinaas niya yung bote na para bang inoobserbahan. "nakalahati mo talaga 'to?"

"Ashley" Biglaan kong sinabi pangalan ko at kinuha ko na yung bote sa kanya.

"Ashley. Nice name."

"Akala ko ba titigilan mo na ko kapag sinabi ko pangalan ko?" tumawa ulit siya with a cheeky grin after.

Inayos niya yung upo niya. Para bang confident na siyang simulan pakikipag kwentuhan sakin. "So what's the reason behind every shot?"

"Can you not"

"Okay just to clarify things up. I don't have any bad intentions. I just want to talk"

Tinuloy ko pa din yung pag inom ko. Malapit ko na maubos yung alak pero hindi pa din umaalis 'tong kupal na tumabi sakin. "Bakit ba ang gago niyong mga lalaki?" hindi ko pa din siya tinitignan. This time, alam ko na may amats na ako. Jusko Ashley paano ka mag mamaneho pauwi?

"Ako ba kausap mo?" tumingin ako sa kanya. Tinuturo niya pa sarili niya.

"Oo. Bakit ang gago niyo?" sinusubukan ko na hindi umiyak kahit na galit na galit ako sa mundo.

"Di ko alam. Di naman ako kasali sa mga gagong yan" tumawa ko. Nakatingin lang siya sakin. "Oh bakit?" sabi niya.

Naalala ko nung araw na sinabi din yan sakin ni Kyle. Nasa loob kami nun ng sasakyan, nakatambay, nang may nakita kaming magkarelasyong nag aaway sa bandang harap ng kotse. Umiiyak yung babae habang hinahampas yung dibdib ng lalaki. Tinanong ko siya ng parehong tanong 'bakit ang gago niyong mga lalaki?' pero sinagot niya ako na iba siya, na hindi niya ko sasaktan, na gagawin niya akong prinsesa niya, na papatunayan niyang hindi lahat ng lalaki gago. Naalala ko na habang nagmamaneho na siya paalis dun, napaka higpit ng hawak niya sa kamay ko. Naalala ko na ipinadama niya na mahal na mahal niya ko. Naalala ko na kaya baka minahal ko din siya ng lubusan at tumagal kami ng dalawang taon.

"Uy! Okay ka lang?" inaabutan niya ko ng tissue. Di ko namalayan na napa luha pala ako. Pinunasan ko nalang ng kamay ko yung mga luha.

"I need to go" nag abot ako ng 3k sa kanya tsaka tumayo. Ayoko na dito. Gusto ko ng umuwi. Pagkatayo ko nahilo ako kaya muntikan akong matumba buti na lang nakakapit ako sa upuan. Pagewang gewang na akong maglakad. Nabubunggo ko na din yung mga tao pero wala akong magawa kung hindi tumuloy maglakad at sorry nalang ako ng sorry.

"Ashley!" binilisan ko pa maglakad palabas kahit mahirap. Pagdating ko sa parking lot, ilang sasakyan pa nilapitan ko dahil kaparehas ng kotse ko. "Nandito ka lang pala" nakasandal ako paharap sa pinto ng kotse habang hinahanap susi sa bag.

"Ashley!"

Pagbukas ko ng kotse pumasok ako agad at sinarado yung pinto. Kinakatok ako nung lalaki kanina.

"Ashley! teka lang" tinaasan ko siya ng middle finger tsaka sinusubukan ipasok yung susi sa ignition.


***

Chapter 1 is finally up!!! I hope you like it. x

All Night // Ricci Rivero FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon