Tanghali na akong nagising. Pagdating ko kasi kagabi hinanda ko lahat ng mga gamit na binigay sa akin ni Kyle sa isang malaking box. As in lahat.
"O anak anong gagawin mo dyan? Bakit ang laki naman niyang box na ibababa mo?"
"Ah- pang donate po dun sa elementary school na pinuntahan namin"
"Jay! Halika nga dito at ibaba mo 'tong kalaki laking box ni Ashley" daliang umakyat si kuya Jay sa may tapat ng kwarto ko at binuhat papunta sa kotse yung box.
"Salamat po kuya. Alis po muna ako sandali" wala na akong pakielam kung kagigising ko at nakapang bahay pa ako. Nag drive ako papunta sa tapat ng bahay ni Kyle. Hindi yung family house nila pero yung bahay niya lang mag isa. Tumigil ako sa harap ng gate niya, wala yung kotse niya kaya tinuloy ko na plano ko. Binaba ko yung box kahit medyo mabigat at iniwan sa tapat ng gate tsaka umalis.
"Ash, may niluto pala ako" may binabasta siyang tupperware na may lamang ulam.
"Para kanino po yan?"
"kay Kyle. Ang tagal na kasi niyang hindi bumibisita dito. Dalin mo 'to sa kanya kung lalabas kayo mamaya" mas lalong nalugmok yung mood ko na may halong inis at galit.
"Sige po. Kukunin ko nalang mamaya" gusto ko na sanang aminin kay nanay na wala na kami ni Kyle pero naabutan o na ang saya saya niyang pinag luluto si Kyle. Ayoko namang malungkot siya at alalahanin pa ako.
Umakyat na ako sa kwarto ko para mapag isa. Isang buwan na ang nakalipas ng naghiwalay kami ni Kyle pero hindi pa din ako nakaka move on. Alam kong hindi ganun kadali kung mahal mo talaga yung tao. Kung ibinigay mo sa kanya lahat ng pagmamahal pero nagkulang pa din. Unfair lang para sa akin dahil sinasayang ko bawat oras ng buhay kong nagmumukmok dahil sa pag iwan niya sa akin habang siya paniguradong wala ng pakielam kung ano man ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit lang isipin na yung taong mahal na mahal mong handang ipagtanggol eh siya pa pala ang mananakit sayo.
Simula nung pangalawang pagpunta namin ni Ricci sa cafe hindi na ako nagparamdam. Hindi na ako nagrereply o sumasagot ng tawag. Binalewala ko yung phone at lahat ng social media ko. School at bahay lang din ako.
Kumatok si nanay sa kwarto ko. "Ash, kain na" may dala dala siyang pagkain.
"Sige po. Salamat" umalis na din siya after ilapag yung lunch ko sa lamesa.
Hi! Ako nga pala si Ashley Vergara. Yung babaeng minahal ka simula pa nung una hanggang ngayon. Ewan ko ba kung bakit eh alam ko naman na ayaw mo na sa akin at iniwan mo na ako. Hindi ka man lang nagpaalam. Hinintay at hinihintay pa din kita. Inaasahan ko pa din na isang araw dadating ka sa labas ng bahay namin at gugustuhin mo ulit akong kausapin. Ipapaliwanag mo lahat sa akin. Iiwanan mo ako ng may paalam. Sana nga mapaintindi mo sa akin para matulungan ko na din sarili kong bumangon at mag move on sa sakit na iniwan mo.
Kamusta ka na?
Hindi ko namamalayan na lumuluha na pala ako habang tina-type yan sa messenger. Nanginginig yung daliri kong pindutin yung send. Bakit ko pa ba 'to ginagawa? Ano pa ba ang purpose neto? Para bumalik siya sakin?
Send
This person isn't receiving messages from you right now.
Halos itapo ko yung phone ko. Paano niya nagagawa sa akin 'to? Sa loob ba ng dalawang taon minahal niya ako? Paano niya akong natitiis ng ganito?
Nakita kong online yung isa nilang kaibigan, si Lorenzo.
'Pwede ba tayong magkita?'
'Sure. Punta ka nalang sa bahay'
BINABASA MO ANG
All Night // Ricci Rivero Fanfic
FanfictionHis love covers me. This is all I know. All I need.