I wrote this on my notebook, suddenly you popped in my mind. Then naalala ko, wala na nga pala tayo nung time na 'to. And I tried so hard not to cry. You know that I am a tsundere so ayun, magulo as usual. Pero wala akong pake kasi sinusulat ko 'to para sayo.
________
Sa bawat patak ng tinta na ito,
ikaw ang nasa isip ko.
Aking isusulat sa papel na ito,
ang ating kasaysayan.
Na para bang pareho natin itong ipinaglaban,
dahil ganyan kita kamahal.
Handa akong hawakan ka,
kahit bumitiw ka na.
Ang ating mga pusong pinagtagpo,
tibok na pilit itinatago.
Para saan pa nga ba ito?
Wala na nga.
Nakakapagtaka na kailangan pa nating mabuhay
At paulit-ulit na malunod sa hagupit ng pag-ibig
Nakakapagtaka na hindi natin magawang limutin,
ang mga oras na hindi pansin.
Nakakapagtaka na kailangan pa nating masaksihan,
ang pagsasamang hindi naman pala nabuo kailan 'man.
At oo, nagtataka ako.
Nagtataka ako dahil bakit kailangan pa natin isulat...
Isulat ng patago
Bigkasin ng malabo
Ang pilit na itinatagong damdamin.
Ngunit ngayon ay malinaw na sa akin.
Dahil ako ay umaasa,
na baka balang araw,
ang liham ko sa iyo ay makarating.
At malaman mo na mahal,
Nandito pa rin ako.

BINABASA MO ANG
Poems, Essays, Open Letters
Thơ caMaaaring pang araw araw na hugot, o matagalang damdamin. This section contains random things with lots of grammatical errors. Most entries are expression of my feelings. I'm a newbie here, so please bear with me.