Introduction

893 15 0
                                    

Naglalaro kami ng taguan at ako ang taya.

Di ko sya mahanap, naiiyak na ko, natatakot ako baka iniwan na nya ko.

"Nasaan ka na?! Ayoko na maglaro." sigaw ko sa hangin.

"Ayoko na! Lumabas ka na." sigaw ko ulit.

Naiiyak na talaga ako. Nasaan na sya?

"Boo!" panggugulat nya. Sa sobrang takot ko niyakap ko sya. Akala ko iniwan na nya ko.

"Oh bakit ka umiiyak?" tanung nya.

"Akala ko iniwan mo na ko eh." sagot ko sa kanya.

"Di mangyayari yun no. Bestfriend kita eh." pampalubag-loob nyang sagot.

Naging napakasaya namin dito. Hanggang isang araw...

"Hoy! Anung ibig sabihin nito?!"

Di sya sumasagot.

"Hooy!!" tawag ko, sabay tapon sa harap nya ng diary nya.

Nakayuko sya. Palagi na lang syang ganyan.

"Tingnan mo ko! Ano ba?!" Pasigaw kong tanong. Ni hindi man lang nya ko tinitingnan.

"Bakit ba?" Sagot nya.

"Ang sabi ko, anung ibig sabihin ng nabasa ko sa diary mo!" Pag-uulit ko sa tanung ko. Kailangan ko na talaga ng paliwanag galing sa kanya.

"Nabasa mo na nga di ba? Ano pang ipapaliwanag ko?"

Nakakainis. Naguguluhan na ko. Teka! Sino ba 'tong kinakausap ko?

"Bakit? Bestfriend mo ko di ba? Bakit ganun?" mahinahon kong tanung.

Bestfriend?!

"Di ko sinasadya. S-s-sorry. Kung kaya ko lang sanang pigilan, ginawa ko sana. Kaso ang hirap eh." sabay tulo ng luha sa mga mata nya.

Naging malabo ang lahat. Ni hindi ko sya kilala. Sino ang taong kausap ko? Bakit sinabi kong bestfriend nya ko? Naiiyak ako, pero di ko alam kung bakit. Isa lang ang alam ko nagiging masaya ako pag kasama ko sya. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

**Just wild and young 

I'm just wild and young 

Do it just for fun

(Hello) ladies, my name is me and choice 

Yes sir, one of a kind nan jaejumanheun gom, (no) gombodan yeou 

(Hello hello hello) yes sir, one of a kind nan jaesueomneun nom 

(Wuh) jom bissan mom (get out)**

*******************************************

Author's Note: TaengSic FanFic po itong ginawa ko. Nakaka-miss sila e. Hehe. Enjoy! :)

Am I a Fool?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon