Charpter II

198 5 1
                                    

Chapter II

Kyle's POV

Magto-two weeks na rin simula nung mag-umpisa ang school year. Sa loob ng two weeks na yun, Si Josh at Michie pa lang ang nakaka-close ko.

Last week kasi, since mag-uumpisa na yung mga klase, inayos na rin yung seatting arrangement namin. At silang dalawa ang nakatabi ko. Nakakaasar lang kasi, nasa gitna ako nilang dalawa, at pag nagliligawan sila, kailangan kong tiisin ang mga kalandian nila.

Pero ayos na rin tong pwesto ko. 4th row, medyo likod, pwedeng-pwede matulog. At syempre, kasi nahiwalay na ako dun sa masungit na babaeng si Krystal. Sa isang linggo kasi na katabi ko sya, wala na silang ibang pinag-usapan ni Nicole kundi puro mga kamalditahan nila, di ko nga malaman kung may nanliligaw ba dun eh, o kung may magtatangka pa.

"Ok! Listen class. Next week, we will be having our annual Acquaintance Party. All students are required to attend. Especially, kayo, kasi last year nyu na dito sa school." sabi ni Ms. Felipe.

Ayy! Oo nga pala. May party next week, required umattend lahat. Di pa naman ako mahilig umattend sa mga ganun. Badtrip naman oh.

"Yung theme ng party ay pinag-iisipan pa kung ano. Pero open na ngayon yung registration para sa mga contests, yung mga gusto magpa-register pumunta na lang kayo sa office." Dagdag ni Ma'am.

Contest? Makasali nga.

Krystal's POV

 Hmm. Party, huh? Kaso mukhang tinatamad ako umattend. Pag KPOP ang naging theme ng party baka sakaling pumunta pa ako. Pupusta ko, imposible yan.

"Uy! Ano? Pupunta ka ba?" tanung ni Nicole.

"Di ko pa alam eh. Depende kung ano magiging theme." sagot ko tapos humikab.

"Ako rin eh. Baka kasi pabor na naman yung theme sa mga freshmen. I mean, yung sila na naman mamimili." sarcastic ang pagkakasabi na Nicole.

"Eh kung ganun na naman ang gagawin nila napakaboring na naman nun. Punyeta. Di talaga ko pupunta." sagot ko.

Inaantok na ko kaso nag-uumpisa pa lang ang araw namin. Tae kasing assignment yan eh! Napakahirap gawin, napuyat tuloy ako.

"Yung lang ang announcement so far. Yung iba baka mamaya o bukas na i-announce." Sabi ni Ms. Felipe.

Author: Nang matapos ang pang-umagang klase ng 4A, dumiretso si Kyle sa canteen para mag-lunch. Sa labas ng canteen nakita nya ang poster para sa singing contest sa araw ng Acquaintance party nila. Naisip ni Kyle na pumunta muna sa office para magtanung sa nasabing contest at doon nalaman nya na may dalawang category para sa singing contest; solo at duet. kaya naisip nyang ayain si Cassandra na sumali dito.

Pagkalabas nya sa office, nakita nya si Krytal sa labas niyon na nag-iisa at parang nag-iisip, kaya nilapitan nya ito at kinausap.

Kyle's POV

"Anung ginagawa mo dito? Sasali ka ba sa contest?" tanung ko.

"Wala ka na dun." pasungit sagot nya.

Bwiset talaga. "Ok." Paalis na ko nang nagsalita sya.

"Sasali ka din ba kaya ka nanggaling sa office?" tanung nya.

"Wala ka na rin dun."

"Ok. Sorry na. Anu? Sasali ka din ba?" Marunong din palang mag-sorry to.

Am I a Fool?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon