Chapter I

479 5 2
                                    

Krystal's POV

5:30 AM

**Just wild and young 

I'm just wild and young 

Do it just for fun

(Hello) ladies, my name is me and choice 

Yes sir, one of a kind nan jaejumanheun gom, (no) gombodan yeou 

(Hello hello hello) yes sir, one of a kind nan jaesueomneun nom 

(Wuh) jom bissan mom (get out)**

Ginigising na ko ni GD beybe ko. Kinuha ko ang phone ko at pinatay ang alarm. Ang ganda talaga ng boses ng asawa ko.

But before anything else...

Annyeonghaseyo, Readers! Je ireumeun Krystal-imnida. Half-filipino, half-kimchi ako *sana*. Sabi nila cute daw ako. And I love Kpop very much! :) and.. Medyo bully ako. :P

First day ko ngayon as senior student kaya excited ako. Bwahaha! Makikita ko na naman si Berto! May mabu-bully na naman ako! *evil smile*

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba agad ako sa kusina para kumain at nakita ko doon si Mommy na naghahanda ng almusal namin ng kapatid ko.

"Good Morning, Mom!" bati ko. Naupo ako sa upuan sa harap ng dining table namin.

"Good Morning, Dear. Sakto maluluto na 'to. Gisingin mo na kapatid mo, baka ma-late kayo." Sabay kindat. Sus! Haha. Uutusan lang din naman ako magpapa-cute pa. Manang-mana talaga ko dito eh.

"Hoy! Bakit ka nakaupo sa upuan ko?! Ako dyan a!"

Tae 'to! Ang aga-aga inaaway na naman ako.

"O ayan! Lamunin mo." Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Di na pala kailangang gisingin, Ma eh. Gising na yung unggoy." sabay irap.

"Ang aga-aga ah." Saway ni Mommy.

Yung nang-away sakin, yun yung kapatid ko. Si Bryan. Natural na samin ang mag-away araw-araw. Bugbugan pa nga minsan. Haha. Nagsasawa na nga raw sa kakasaway yung mommy naming maganda. Pero kahit ganun kami, alam kong mahal ako ng unggoy kong kapatid na yun. Bubugbugin daw nya yung lalaking mananakit sakin. I can say na sya ang 2nd bestfriend ko sa bahay. 1st kasi si Mommy. Drama po no? Letse. Haha.

Kyle's POV

HWANG UNIVERSITY

7:25 AM

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang malaking bulletin board sa school namen, hinahanap ko yung pangalan ko. Anung section kaya ako? Hmmm... Ayun! Gotcha! Gaya ng dati nasa star section na naman ako. Wala ng bago dun. Tss. Yabang ko no? Di naman. Ako nga pala si Angela Kyle Suarez, you can call me Kyle, ayoko ng Angela masyadong pambabae. Yuck. Transferee ako sa University na 'to. Lumipat kami ng tinitirhan because of my father's business.

"Beng! Section A again." narinig kong sabi ng tao sa likuran ko. Nilingon ko sya. Syet ang cute nya. Nakangisi sya habang tinitingnan yung listahan sa bulletin board. Mukhang junior 'to, ang liit e.

"Hey!! What are you looking at?!" Tanung sakin ng cute na nilalang. Syet nahuli po ako. Ang sungit naman nito. Pasalamat sya't cute sya, kung hindi, nasapak ko 'to. -_-!

"Ah.. W-wala.." Sabay alis. -_-! Badtrip.

PRINCIPAL'S OFFICE

"Alam mo na ba kung anung section at room ka?" tanung ni Mr. Principal.

Am I a Fool?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon