Sniff sniff sniff
Walang araw na hindi ka hinahanap
Pagkat iyong amoy laging nilalanghap
Kaya aking mundo'y parang nasa alapaap
'Wag sanang ipagkait ang 'yong bango na kay sarap.Sniff sniff sniff
Isang araw ako ay nahilo
Pagkat iyong amoy ay nag bago
Ang mundo ko ay nanlumo
Dahil 'di ka pala mahilig maligo.Sniff sniff sniff
Hindi ko alam kung ipagpapatuloy pa
Baka isang araw nasa ospital na
Kaya sana tanggapin mo
Ang regalo kong pabango.Sniff sniff sniff
Nag daan ang isang linggo na 'di ka nakikita
Nang ika'y bumalik 'di ako nakapag salita
Sa pagkat ang iyong amoy ay lumala
Paalam na sa pag ibig kong nawala.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Thoughts
PoezieLet me take you in the beauty and intensity of emotion that uses aesthetic and rhythmic qualities of language. 'Poetry' [May 18,2018]