Keeno's POV
"Devlin." Yan lang ang nasabi ko pagka-kita ko sa kanya.
Gulat na gulat ako syempre.
"Sabi ko na nga ba eh." Naka-ngiti nyang sabi tapos lumapit sya sa akin para yakapin ako.
Ako naman si tanga, nagpa-yakap din.
Ito parin yung pabango nya.
Napapa-ngiti ako ng kusa sa tuwing naaamoy ko ito.
Not because I still like her, ang nostalgic kasi sa feeling pag naaamoy ko yung pabango nya.
Tsaka..
Totoo nga.
Mas lalo nga syang gumanda ngayon.
Aaaaaargh!
Snap the fuck out of it, Keeno!
Galit ka dapat dyan sa babaeng yan!
"I knew it! Sabi ko na nga ba pupunta ka." Sabi nya na parang amused na amused na nagpa-kunot naman sa noo ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
Ine-expect nya akong pumunta?
I have to play this cool. Mahirap na, baka kung ano ang masabi ko dito.
She took a deep breath bago sumagot.
"Ako kasi yung nag-PM sayo na pumunta dito. Gumawa pa ako ng account para lang papuntahin ka, blinock mo ako kasi ako, diba?" Nag-pout pa sya.
Ang cute sana nya kung hindi ko lang alam yung ginagawa nya.
She's the same Devlin. She's still manipulating the people around her para makuha ang gusto nya.
Tinignan ko lang sya. Kaya kumunot ang noo nya.
"Hoy, kausapin mo naman ako pag kinakausap kita!!" Huli ka! Lumalabas na rin yung impulsive side nya.
Kaya napa-smirk ako. Sabi ko na hindi sya mababago ng Davao. Kamukha nya kasi si Duterte eh. Wala na namang konek -__-
"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.
"I'm here to talk to you about something. Tsaka hindi mo ba ako na-miss?" Naka-ngiti na ulit sya. Bakit ko naman sya mami-miss?
"Hindi." Diretsong sagot ko. Gusto kong matawa sa mukha nya kasi galing sya sa ngiti tapos biglang bumagsak, kaso wag na. Serious mode muna ako.
"Galit ka parin ba sa akin?" Tinignan ko sya with disbelief all over my face. Parang tanga naman yung tanong nya.
"Murahin ko kaya tatay mo? Di ka ba magagalit?" I laughed sarcastically. Para kasing syang tanga.
Parang namuo naman ang mga luha sa gilid ng mga mata nya. Ito na naman sya, nagpapa-awa para manalo. Pero nagulat ako sa sinagot nya sa akin.
"W-Wala na si Dad." Humihikbing sagot nya. Wrong move pala yung pag-damay sa tatay nya.
Patay na yung tatay nya? Baka multuhin naman ako non.
Takot pa naman ako doon.
Hindi sa multo ah?
Sa tatay nya mismo. Tinutukan kaya ako ng baril non' dati nung hinatid ko si Devlin sa kanila. Hindi kasi ine-expect ni Devlin na uuwe yung tatay nya from Davao noon, kaya ayon,
nahuli kami.
Pulis Davao kasi yon at sobrang istrikto.
Hindi kasi nya ina-allow na mag-boyfriend yung anak nya. Kaya ayaw na ayaw nya sa akin. Kaya palihim yung relasyon namin ni Devlin noon.

BINABASA MO ANG
Ang Tanga Pumana Ni Cupid 💘
RomanceRandom. Random. Random. I don't know how to describe this. Ugh.