Chapter 2

14 0 0
                                    

Keeno's POV

Maaga akong gumising ngayon.

Eh paano ba naMan,

May nag-pm sa akin kagabi at gusto daw magpa-advice. Bago lang yung facebook account dahil tatatlo pa lang ang friends.

gusto nya daw umaga bago sya pumasok. Hahaha.

Demanding. Pft.

Gusto yatang pumasok ng namamaga yung mata dahil sa kakaiyak nung babaeng yon.

Pagka-tingin ko sa wallclock ko ay 6am na pala.

Naligo ako, at nag-bihis na dahil may pasok din naman ako.

Pagka-tapos ko magpa-pogi ay bumaba na ko para mag-almusal. Umupo ako sa dining area namin.

"Hoy! Yaya! Nagugutom na ko, yung pagkain ko! Dalian mo!" Malakas na Sigaw ko sa kusina.

Nagulat ako nung biglang may kumalabog.

Tapos lumabas yung nanay ko galing sa kusina Hahahaha. Wala nga pala kaming katulong.

"Ikaw, bata ka! bwisit ka ang aga-aga!" Galit na galit na sabi nya.

"Hahahaha. Good morning, ma! Di ka naman ma-joke eh." Bati ko sa kanya. Oo, pati nanay ko pinagti-tripan ko.

"Peste. Oh, kumain ka na." Inabot nya yung plastic ng pandesal tapos liverspread.

"The best ka talaga, ma. Ang ganda mo pa. Sexy pa. Mabait pa. Tsk. Swerte talaga ni Papa sayo." Naka-ngiting sabi ko sa kanya.

"Anong kailangan mo?" Tanong nya ng nakataas yung kilay. Alam nya na agad yan. Hahaha.

"Dagdagan mo 500 pera ko, ma. Gagala daw kami mamaya ni Rai." Sabi ko. Pinagdikit ko pa yung mga palad ko tapos nagpapaawa ng mukha. Umepekto ka please!

Natawa naman sya sa ginawa kong yon. Luh?

"Bakit? Anong nangyari sa allowance mo? Ubos na?"

Tumango ako "Kain ako ng kain eh."

"Psh. Wala ka na ngang girlfriend ang gastos-gastos mo pa." Parang kinaltukan ako sa dibdib.

"Ma, naman." -___- kailangan pa ba talagang ipagduldulan sa akin na wala akong girlfriend?

Pero may mga nagkaka-gusto naman sa akin. Ayoko lang talaga pumasok sa relasyon, sa ngayon.

Hindi naman sa nagpapaka-choosy ako pero wala eh, ayaw ko lang talaga sa kanila. Mga malalande eh.

"Nga pala," napatingin ako sa kanya dahil seryoso si Mama. "Bumalik na daw si Devlin galing Davao. Kagabi lang. Mas lalo syang gumanda ngayon, nak."

Bigla naman akong nasamid kaya inabutan ako ng tubig ni mama.

"Okay ka lang?" Tumango lang ako.

Si Devlin, bumalik na? Napa-aga yata ah? Di pa ako handa eh. Tsk.

"Alis na ko, ma. May shunga sa pag-ibig pa akong papayuhan." Ewan ko. Parang nawala bigla ako sa mood.

Tumayo na ko at paalis na sana ako nang pigilan ako ni mama.

"Yung perang hinihingi mo, Tanga. Ang bitter nito." Ay oo nga no? Hahaha.

Pero hindi ako bitter. Hindi lang talaga maganda yung karanasan ko sa babaeng yon.

"Hindi no'. Thank you po, ma. I love you." Humalik ako sa pisnge nya tapos umalis na.

Kinapa ko yung susi ng kotse ko sa bulsa ko pero wala akong nakapa.

Ang Tanga Pumana Ni Cupid 💘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon