LGPHL - 1

20 0 0
                                    

                          Chapter 1
                        WATCH OUT

Tanara POV

"Uy alam mo na ba?" Tanong sakin ni Seira bestfriend ko.

"Syempre hinde" Sarkastiko kong sabi sabay kuha sa bulsa ko ng lollipop. Nandito kami ngayon sa may library, Wala trip lang namin pumunta dito boring eh, Wala kasi kaming 2nd and 3rd subject. D'joke lang, Nagpunta talaga kami dito para maghanap ng dagdag information tungkol sa reports namin na ipepresent na next week.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Seira tapos parang nagstretch stretch siya ng mga buto buto sabay bumwebwelo bwelo pa ng konti. La? Anong trip neto?! Akala ko kung ano ang gagawin nya pero bigla nya akong...

PAAAAKKKKK!!!


Binatukan =______=

"Siraulo! Wala ka talagang kwenta kausap kung minsan" Kung gaano kalakas ang pagbatok nya saken ganun naman kahina yung pagsabi saken ni Seira. Edi waw =______=, Hindi ko naman na ininda yung batok nya mahina lang naman eh. Tsaka pag nagOA pa ako dito baka mapahiya ako, Mahirap na medyo marami pa namang student ngayon dito. Mas pinagtuunan kona lang ng pansin yung plastik na balat ng lollipop na kanina ko pa sinusubukan tanggalin.

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko habang buay pa rin ako sa pagtatanggal ng balat ng lollipop. Ang hirap naman netong tanggalin 'tong plastik na ito nakakainis!

"So yun na nga.. Hindi naman sa pagiging chismosa pero aksidente ko lang naman 'tong narinig sa mga studyante habang naglalakad ako sa Black building well.. Inutusan kasi ako ni Mrs.Fren na kunin yung mga papers na---"

"Balak mo rin bang ikuwento kung paano ka umuutot?" Taas kilay 'kong tanong sa kanya. Tinarayan lang ako ng bruha.

"Gusto mo bang malaman o hindi?" Sabi ni Seira.

"Gusto, Sabihin mo na kasi ng diretso dami mo pang pasegway segway eh" Sabi ko. Yung totoo? Ayaw ba talaga netong lollipop na'to na magpakain? Kanina pa ako pinapahirapan eh. Pag ako nainis itatapon ko na lang ito.

Kinuha naman bigla saken ni Seira yung lollipop na kanina ko pa hawak at pinoproblema. Mga ilang saglit lang ay nabuksan nya yun ng walang kahirap hirap. Whuuttt?! Paano nangyari yun? "Dito na rin daw mag aaral si Drage Esquillo kasama yung mga tropa nya" Sabi ni Seira sabay bigay ng lollipop saken.

"Sus! Parang yun lang? Ano namang pake ko dun sa Drage Esquillo na yun?" Sabi ko sabay subo ng lollipop. Yieee~ Yummy! Ang Sweet hihi~

"Drage Esquillo sus! Drage Esquillo daw--- WHAAAAATTTTT???!!!" Sa diinaasahan na pasigaw ako with tayo mode pa at sa di sinasadya nalaglag pa yung lollipop na nasa bibig ko. Mayghad~ Sayang naman yung pinaghirapan kong buksan T^T. At ngayon ang lahat ng mata ay nasa akin na pati na rin ang atensyon ni Ms.Ely, Librarian Teacher dito sa Esquillo Academy. Uh! Oh~

"What's the problem Ms.Amistoso?" Sabi saken ni Ms.Ely na ngayon ay nagbabalik ng mga books sa proper shelves na tapos ng hiramin ng mga students.

"Nothing Ms!" Sabi ko sabay upo, Bumalik naman sa mga ginagawa yung mga ibang studyante at si Seira ayun pulang pula na pigil na pigil kasi yung pagtawa.

Dinampot ko nama yung lollipop na nalaglag at sinubo ko ulit sayang eh, Charot lang tinapon ko sa basurahan bawal kasi magkalat dito sa loob ng library kasi pagnahuli kang nagkalat ipapalinis sayo itong pagkalaki laking library.

"Adik kaba?! Bat ka nambibigla Seira?" Pabulong kong sabi.

"Hahahaha! Hindi kaya kita binigla, OA ka lang talaga" Patawang sabi saken ni Seira.

"HA-HA-HA" Tinarayan lang ako ni Seira at pinagpatuloy nya yung pag aayos ng libro.

Pero.. Mayghash~ Seryoso? Dito na mag aaral si Drage? OmO! Ibig sabihin lagi lagi ko na syang makikita? Kahit saan ako tumingin makikita ko na siya?

"Huy, Tanara"

Hindi na lang ako hanggang stalk? May pagkakataon na magkausap kame personally? Malaki rin ang chance na magiging close kami at higit sa lahat baka maging kami rin ni Drage Esquillo? My hobbie~

"Tanaraaaaaa~ Yuhooooo~"

Tapos tapos magpapakasal kami, Magkakaroon kami ng anak tapos tapos magsasama kami habang buhay tapos tapos kyaaaaaaahhhhhh~

"HOY TANARA AMISTOSO!" Ay kalabaw na bumertikal!!!!! ASDFGHJKL&=]&[;[:[&!

"Wag ka ngang sumigaw Seira! Can't you see it? Im in the middle of my day dreaming like duh~ You're so paepal. Feeling ko nasira na yung ear drums ko" Sabi ko kay Seira, Nandito na pala kami sa corridor naglalakad pabalik ng room 10mins na lang kasi at break time na kaya nagmamadali na kami, Nasa bag kasi namin yung pera namin eh.

"Ayshuuussss~ Pinagpapantasyahan mo na naman na si fafa drage? Ikaw ah~" Panunukso saken ni Seira na may halong tulak tulak, Mahina naman yung tulak nya pero nakakasakit kasi nasa may gilid ako naglalakad eh, So meaning nababangga ako sa pader. Tulak ko kaya 'to dito 4th floor? Hmm.. Good idea hahahaha! Pero sa susunod na lang

"Eh ano naman?" Pagtataray ko. "Ano nga pala lalamunin naten ngayon?" Dagdag ko.

"Hmm.. Di ko alam eh, Tingin na lang tayo dun sa cafeteria" Sabi ni Seira pagkakuha nya ng wallet nya sa bag.

"Tara" Bumaba na kami at nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria hanggang sa..

"Miss! WATCH OOOUUUTTTT!!!"

>.>

Ha? Whuuuttt??!!!

<.<

Ano daw?

Wash pout?

Ano?

Watch out?

Saan?

>.<

BBBLLLAAAAGGGGG*

Arawtch =______=

Napahawak na lang ako sa bandang ulo ko na tinamaan, Edi shing Parang nauntog lang ako sa pader ah. Infairness masakit at kumikirot kirot pa.

"Tanara are you okay?" Tanong ni Seira na halatang nag aalala siya.

"Oo arghh- Okay lang ako hehe" Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at tinulungan naman ako ni Seira. Napansin ko naman na andaming nakapalibot samin ngayon. Mga usisero at usisera =_______= Whatever, Pero ang sakit talaga ng ulo ko

"Miss okay ka lang ba?-???

"Ha? Ahh.. Oo, Wala 'to" Sabi ko habang nakahawak pa rin ako sa ulo ko. Bat ang sakit nya?

"Tara punta tayo sa clinic? Baka mamaya napaano kana eh" Sabi ni kuyang nasa harapan ko. Infairness ang cute nya

Pero bakit parang nanlalabo paningin ko? Nagiging blur yung mga taong nasa paligid

"Hindi na.. Kaya ko sarili ko" Sabi ko ng nakangiti. Maglalakad na sana ako ng makita ko yung palad ko na may D-Dugo?

What?! Dugo???!!!

Pa..Pataaaayyyy...

Bigla nalang akong na out of balanced buti na lang nahawakan ako ni Seira at parang lalong nagblurred yung paningin ko at..

"Hey Miss!"

"Miss"

"Tanara?!"

"Heeeyyy!!!"

BLACK OUT!!!

-----------------------------------------------------------

Hi, hope you like the chapter 1 :) Please Vote and Leave a Comment kamsa~

-----------------------------------------------------------

-Adriii

LogophileWhere stories live. Discover now