LGPHL - 6

3 0 0
                                    

Chapter 6
SSG President

Tanara POV

"That's all for now, Class dismissed" Yan yung huling sinabi ni Sir.Icy bago siya lumabas ng room. Nagumpisa ng mag ayos ng mga gamit ang mga classmate ko at ako? Eto nagiinat inat pa.

HAAAAAAYYYY NAKAKATAMAD~

Ano kayang pwede kong gawin mamaya? Hmm.. Yayain ko kaya si Seira na manuod kani ng sine? Sakto showing pa naman yung paborito ko sa lahat, Yung "RINGS" Omo! Horror na naman, Exciting~ Lalo na pagsinama ko si Seira panigurado iiyak iyak yun paglabas namin sa sinehan hahahah!

"Oh wait! I forgot" Biglang dumungaw si Sir sa may pinto, Napahinto kami sa mga ginagawa namin, Ay sila lang pala.

"Bukas may welcome party ang school dahil ang kapatid ng ating principal na si Drage Esquillo na Sergeant at Arms ng school naten kasama ang iba pang mga officers ng SSG ay darating na bukas and meaning free day rin bukas" Pagkasabi nun ni Sir, Naghiyawan na ang lahat maski na si Seira =_________=

"Omg! Makikita ko na si kurty ko yieeee, CAN'T WAIT ^o^" May patili tili pang sabi ni Seira with matching talon talon pa hays! Kahit kelan talaga 'to.

Inayos ko na yung mga gamit kong kinalat ko kanina, Hinahanap ko kasi ballpen ko eh hindi ko nakita sa pagkapa kapa kaya ayun tinaob ko yung laman ng bag ko.

"And Ms.Amistoso, The SSG President! Pinapatawag ka ni Ms.Principal sa kanyang office ngayon na" Napatigil ako sa sinabi ni Sir.Icy, Sht! Bakit ngayon pa? Hindi pa ako ready.

Tinapos ko na ang pagliligpit ko ng mga gamit ko at nireview ko na rin yung sinulat ko kagabi. Opo mukhang siraulo man pero seryoso binasa ko talaga ulit yung huli kong sinulat kagabi, Para just incase baka mamental block ako mamaya eh.

Hindi pa kasi ako ready na makita si Drage eh, Ayoko pa, Hindi ko pa kaya. Wag muna ngayon, Wala pa akong lakas ng loob na makita ulit siya, Hindi ko pa siyang kayang kausapin dahil hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari dati.

Alam kong may malaki rin na posibilidad na magka-usap kami dahil diba ako ang magiging tour guide nila diba? Hindi ko nga alam kung bakit eh, Hindi naman ito yung first time na nakarating sila dito ng mga kaibigan niya kaya nagtataka talaga ako.

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng Principals Office, hindi ko alam kung bubuksan ko ba 'to o ano pero nung nakita kong napadaan si Ms.Ely, Hindi na akong nagdalawang isip na pihitin yung door knob, Goodluck saken.

Naabutan kong nagaayos ng mga papers si Ate Misha sa sobrang busy niya hindi nya ako napansin na pumasok.

Maganda si Ate Misha, Matangkad, Matangos ang ilong, Matalino, Talented almost perfect talaga siya kaya hindi naman ako nagtataka kung bakit isa siya sa Pinapangarap ng mga kalalakihan isa lang talaga, Kase hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend since birth. Minsan nga naiisip ko di kaya lesbian siya, Man haters din siya hindi ko alam kung ano ang dahilan kase alam ko hindi pa naman siya nasasaktan, Super duper close kasi kaming dalawa para na kaming magkapatid. So yun back to the story na, Nagsimula na akong maglakad papunta kay Ate Misha at sa wakas napansin niya rin ako.

"Oh! Lil Sister your here!" Tumayo at nagsimulang maglakad papunta saken si Ate Misha sabay niyakap niya ako "I miss you, How are you Ms.President?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"I miss you too, Okay lang naman, Kastress nga lang kung minsan Ms.Principal" Nakangiti kong saad. "Bakit mo nga pala ako pinapatawag Ms.Principal? Nakangiting tanong ko.

"Bakit hindi muna tayo maupo" Sinenyasan ako ni Ate Misha na maupo.

"So.." Paguumpisa ko ng makaupo ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LogophileWhere stories live. Discover now