6:30am nadin pala nung natapos kami uminom ~ Si kez inalalayan na ni CJ para umakyat sa kwarto . Hilo na kasi talaga siya >.< Habang ako eto naglilinis pa ng pinag inuman namin , kahit na antok na ko , Syempre mabait ako e :)) JK I mean baka kasi mapagalitan kami ni tita Maria .
Pagkatapos kong maglinis , umakyat narin ako para matulog .
" mukang malayo na narating nila ~" - isip-isip ko . pano ba naman mukang ang sasarap na ng mga tulog nila , samantalang ako matutulog palang >,< Grabe ang dami kong antok ! Mga 26 HAHA XD
Mahaba-haba din ang naging tulog namin ah? >.< Pag gising kasi namin madilim na , actually nagising ako dahil sa ingay sa labas . Pano ba naman yung mga sound system nila eh , talagang bumabayo ! :@. Bisperas na kasi ng pasko . Ang Ingay Grabe -.- Pag silip ko sa bintana , ang daming tao . may patay sinding ilaw pa , talagang party-party na :) Pero maaga pa naman para don , yung iba nag pprepare pa nga eh . Pag baba ko , nagp-prepare narin pala si tita Maria . Si nathan nasa banyo na naliligo , may misa pala ng 10:00pm . Kaylangan ko nadin palang mag prepare .
9:20pm na . Malapit lang naman ang church kaya ok lang kahit quarter to 10 na kami umalis , yun nga lang paniguradong standing ovation na kami neto -.- Wala na kaming mauupuan .
" tao po! *knock 3x*" - naririnig ko mula sa gate .
"Kez , Nandito sila kian . Bumaba na kayo jan at male-late na tayo !" - sigaw ni tita Maria.
Oo nga pala , susunduin nga pala kami ng Jowa ni kez , si kian kasama pati mga barkada nito .
Dahil sa wala pang tulog si ate sheng (mommy ni kez) , hindi siya makakasama samin . Kami lang nila kez , hannah (classmate ni kez) , nathan at ako ang mag sisimba .
Paglabas namin ...
" hello po :))" - narinig kong sinabi ng isang tropa ni kian . (sensya naman di ko pa kilala eh)
Pero infairness nakakatuwa yung mga kaibigan ni kian , mga friendly . Apat silang sumundo , yung isa, mukang siya yung joker sa kanilang magbabarkada , yung isa naman cute :) (yung bumati ng hello .) yung isa di ko masyadong napansin .
Sabay-sabay kaming pumunta sa simbahan . Pagdating namin sa simbahan , di na kami makapasok sa sobrang dami ng tao, syempre pang siyam na gabi na . Nakapasok lang kami ng gate pero di kami makapasok sa pintuan . As the mass go on , *sigh* nagdadaldalan yung mga tao sa likod ko . Paglingon ko kasi , may mga bagong dating na barkada ni kian mga 3 ata sila? , di ko masyadong sure kasi mabilis lang yung paglingon ko , tsaka sobrang naiilang talaga ko >.<
After ng misa , nag usap si tita Maria tsaka si kian , maya-maya . . .
"tara, sa bahay nila kian . ." - sabi ni tita Maria ( in-invite pala kami ni kian sa bahay nila ) .
Doon kami mag no-noche buena ? Watda! :'/ *sigh* -_- Wala naman akong magagawa si tita Maria na yung pumayag . Ayon nga ... Papunta na kami sa bahay nila kian , para kaming isang batalyon na may susugudin >.< ang dami kasi namin . Pero bago pa kami makarating sa bahay nila , naghiwa-hiwalay nadin ang magtotropa .
Pagdating namin papa niya agad ang sumalubong . Siyempre , KAINAN NA ! XD kasi naman , kanina pa ko nagugutom ! -_-#
*fast forward*
Pagkahatid namin sa bahay , sa wakas gising na si ate sheng . Kumain muna siya , kasi busog pa naman kami eh . Pagkatapos , ayon kanya-kanya kami ng pwesto sa sala -.- habang sa labas nag kakasayahan . (ang boring ng christmas namin no?>.<) .
" ano ganito nalang tayo? " - si kez , binasag ang katahimikan namin .
" nga nga ! HAHA XD" - dagdag ko pa .
BINABASA MO ANG
Unofficially yours ♥
Non-FictionYung feeling na , ayaw mo na sana ulit ma - in love pa dahil sobra ka ng nasaktan noong huli kang nag mahal ng totoo pero, heto sadyang mapaglaro ang tadhana at mukang sinusubukan ka . Muli ka nanamang nagmamahal, at sa kasamaang palad mukang Epic F...