Ang Panimula

15 0 0
                                    

~~Oh kay sarap, kay sarap talagang mag-mahal
'Pag alam mong mahal ka rin niya
Araw at gabi ikaw ang ninanais ng
Puso kong ngayon lang nagising
~~

[click the external link for music]

"Araw't Gabi" na kinanta ni Clara Benin ang tugtog sa pampasaherong van na nasakyan ko kagabi, yan din ulit ang tugtog ngayong umaga? Isa sa paborito kong mang-aawit si Clara pero dahil sa status ng puso kong ngayon na lang ulit nabaliw, bawat linya ata ng mga malulungkot na kanta ngayon, pumipilat lalo na sa puso kong sawi. Pakiramdam ko bumubuo ako ng music video habang nakatanaw sa labas ng bintana at iniisip pa rin siya kahit hindi naman ako sigurado kung kahit saglit man lang ba ay laman din ako ng isip niya.

"Aw!" silent mode na sigaw ko, oo silent mode lang kasi nasa closed area, nung naramdaman kong biglang tumama sa balikat ko yung ulo ng katabi kong pogi na mukhang tatlong buwan na atang hindi nakakatulog sa tindi ng pagheheadbang niya kanina pa. Buti pa siya pagtulog lang ang inaalala, e ako?

"S-sorry!" banggit niya agad pagkabalikwas niya. Kung 'di ba naman talaga siya magising sa pagkakatama niya sa mala-bulalo kong buto-buto, aba'y ewan na lang.

"Okay lang," sabi ko. Tumingin na ulit ako sa labas at ibinalik ang sarili ko sa lalim ng iniisip ko kanina. Sobrang lalim, nakakalunod na. Baka nga hindi na ko makahinga.

Okay lang. Hindi ko alam kung ilang ulit ko ba kailangang banggitin ang salitang okay lang para umabot na ako sa puntong sobrang sakit na at magkaroon na ko ng lakas ng loob para sabihing hindi naman talaga.

Okay lang. Ilang beses pa bang magkakaroon ng hustisya ang mga salitang yan at ng hindi na muling madamay sa pagpapanggap na okay lang talaga.

Okay lang.

Kailan nga ba magiging okay ang lahat?

Sunod namang tumugtog sa playlist ni Manong ang kantang "Foolish Heart".

Kuya Driver, yung totoo? Nananadya ka ba? Gusto ko sanang itanong e kaso tinatamad akong magsalita. Buti pa nga sa pagtatanong tinatamad ako e, e bakit pagdating sa pagmamahal sayo, napakasipag ko? Bwisit!

Naniwala ako sa mga sweet nothings mo, sa pakilig, pabibo, paandar, kahit sa mga pautot mo.

I warned you that I have built my walls at hindi ko padadaliin and pag-over the bakod mo para makapasok sa buhay ko. Ayoko kasi ng relasyong panlandian na nga, panandalian pa. But later I realized, hindi ka nga nag-over the bakod, but you break my walls. The worst part is that I let you break it. I did nothing to stop you. Masakit aminin, but I fall, I fall inlove to a guy who has no intention to take me seriously. So this is where the pain begins...

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon