I

8 0 0
                                    

Alas-dose ng tanghali. Office break.

Tanghaling tapat.

Pinakalousy na oras para mag-share ng nararamdaman. Pinakapatay na oras para manghingi ng love advice. At etong oras na 'to ang napili ko para mag-share sa bestfriend kong si Chris Alonte ang lovelife kong walang kalutay-lutay. Oo, eto talagang oras na 'to para less drama. Ayokong umiyak kasi broken hearted na nga ko, papangit pa ko? Wag naman. Bigyan naman sana ng hustisya ang puso kong nagdadalamhati. Baka ma-blackmail pa ko in the future ng bestfriend kong baliw kapag nag-share ako ng gabi or hatinggabi kung kailan malakas ang enerhiya ng paghagulgol, sawing pag-ibig at pusong naghahanap ng pagkalinga. Ew. Hahaha.

"Hayaan mo na. Let go kahit hindi naman siya naging sayo," natatawang sabi ng bestfriend ko.

Hinampas ko siya ng buong giliw, "Wow ha! Salamat ha?" sarkastiko kong sabi sa kanya. "Ang sakit na nga eh nilagyan mo pa ng emphasis e no? Seryoso ko dito tas ganyan-ganyan ka? Sapakin kita dyan e! Akala ko pa naman makakapag-friendship goals na tayo this year para double date sana ganern kaso mukhang makiki-third wheel pa rin ako sa inyo ni Isha  eh," inis na inis na sabi ko rito.

"Damn! Friendship goals? Double date? Oh God!" natatawa niyang sabi kahit hindi ko alam kung anong nakakatawa. Hindi na ko nakapagsalita kaya nag-make face na lang ako. "De. Bes, you know what? Maganda ka naman, mabait, matalino, talented. Ang dami mo pang kayang gawin..."

"Muntik na kong masuka nung sinabihan mo kong maganda, bes" natatawa kong sabi. Napangiti ako. Yung ngiting may pait. Napatulala ako sa hangin. "Pero alam mo yung feeling na...osige, maganda ko, mabait, matalino, talented o kung ano mang pambobola ang naiisip mo pero at the end of the day...hindi pa rin ako yung mahal niya," nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. "O kung mahal man niya ko, hindi ko alam kung mahal niya ba ko dahil mahal niya talaga ko o mahal niya lang ako kasi malungkot siya?"

Darn! Bakit sobrang sakit pala?

Nawala nanaman yung kaluluwa ko sa katawang-lupa ko dahil sa pag-iisip. Bigla akong kinutusan with feelings ng bestfriend ko bago pa ko malunod sa mundo ko. Sakit, besh! Ugh. Totohanin ko na kayang sapakin kita?

"T*NGA KA BA?" inis na inis niyang sabi. "Bawiin ko na kaya yung sinabi kong matalino ka?"

"E bakit mo ko minumura?" inis na sabi ko sa kanya habang hinihimas ko yung parte ng ulo kong kinutusan niya.

"Sira! The point is...you've got it all. It's not your loss kahit siya pang mang-iwan. Marami kang makikitang deserving dyan. Dami-daming nage-effort sayo bakit kasi dyan ka pumatol sa gunggong na yan?"

"Hindi ko nga din alam eh. Ang sakit kasi e! Bwisit! Alam kong hindi naging kami...pero bakit ang sakit? Nakakabwisit talaga! Bakit pakiramdam ko kahit ganun qualities ko hindi pa rin ako enough para sa kanya? Ganito ka, ganyan ka, sabi nila. Puro positive, parang sapat na sapat, tumataas self-esteem ko, bes. Pero bakit sa kanya, shems, pakiramdam ko never akong naging sapat. It feels like I'll never be enough for him. Ugh."

"Daaaaaarn! Ms. Reena Allison Montes, always remember this, okay? You are beautiful, inside and out. You are more than enough. Never ever think na hindi ka sapat dahil sobra ka pa sa sobra. But no matter how beautiful you are, a fuckboy is a fuckboy. A man, who doesn't want to settle, won't settle. And please beware to that kind of guys. Bes, ang g*go, g*go na talaga yan. At wala kang kasalanan dun. Kawalan niya yun. Hindi mo yun kawalan kaya umayos ka dyan," tumayo na siya sa kinauupuan niya. "Tara na! Haharapin mo pa future mo, pangit ka na agad! Umayos ka ha!"

Napangiti ako. Tama naman siya eh. What have I done to deserve a bestfriend like Chris? Buti na lang andyan siya to remind me of my worth.

"Pangit ka dyan, sabi mo maganda ko?" pangungulit ko dito.

"Tamo! Kaya ka mabilis nabobola e. Funny eh! Funny-walain!" natatawa niyang sabi.

Funny-walain. Baka nga. Akala ko kasi totoo yung nararamdaman niya, akala ko lang pala.


***Posted: 1/13/2017***

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon