Ako si Tiffany, sa gantong edad ko marami na akong karanasan sa buhay,karanasang magkahalong pait at tamis...Nung una'y hindi ko alam ang kahulugan ng BUHAY ngunit habang tumatagal unti-unti ko ng nalalaman ang kahulugan nito.At habang tinatahak ko ang aking landas patungo sa kasalukuyan,madami akong nakasalamuhang mga tao. Ang iba sa kanila'y lubos na nagpapaligaya't nagpapasaya sa akin,yung iba naman, ang syang dahilan ng pagpatak ng aking luha at labis na kalungkutan, at syempre hindi maiiwasan yung mga taong hahatakin ako pababa upang ako'y malugmok.
Nang minsan ako'y naglalakad sa aking makabuluhang landas, nakilala ko si Cecille, si Cecille ay napakasimple lamang, mahina ang kanyang kalooban kapag sya'y mayroong pinagdaraanan sa kanyang buhay, tila para syang hibang sapagkat hindi nya alam ang kanyang gagawin upang kanyang problema'y malutas, napakamaramdamin nya. Naging malapit kami ni Cecille sa isa't isa, agad kaming nagkasundo sa mga bagay-bagay kung kaya't parang iisa na ang halukay ng aming mga bituka. Humanga ako sa kanyang kakayahan pagdating sa musika, mabilis syang makaisip ng kanta ayon sa kanyang nararamdaman at kapag sya'y umawit na mararamdamn mo ang nais nyang ipahiwatig nabibigyan nya ng buhay ang isang awitin habang ito'y inaawit nya. Maaliw ka sa kanya habang sya'y pinagmamasdan mong umawit. Minsan nga ako'y kanyang tiniruan umawit, ang sabi nya sa akin namnamin at isapuso ko daw ang kanya upang mabigyan ko daw ito ng buhay. Ganun nga ang aking ginawa, napakasarap pala sa pakiramdam na isaawit mo ang iyong nararamdaman gagaan ang iyong kalooban. Tila nahawa na nga ata ako sa kanya sa pagkahilig sa musika. May isa syang kanya na madalas nyang inaawit,tinanong ko kung bakit nya madalas awitin iyon, tinugon nya sa akin na alay nya daw iyon sa taong MAHAL NA MAHAL NYA ngunit hindi naman ito mabigyan ng halaga. Lahat ginawa nya,ibinigay nya ang lahat ng makakaya nyang ibigay minahal nya pa ito ng higit pa sa sobra at higit pa sa kanyang buhay halos umikot na kanyang mundo dito ngunit pagkatapos ng lahat ng mga iyon ay nabalewala lang lahat ng kanyang pagsasakripisyo, wala na siguro mas sasakit dun. Tilo'y ako'y napaisip, bakit nga ba sadyang mapaglaro ang tadhana? bakit kung sino pa ang ating minamahal ay yun pa ang nagiging dahilan ng ating kasawian? yung taong mahal natin ay hindi tayo magawang mahalin at yung taong namamahal sa atin ay hindi naman natin magawang mahalin,nakakatawa diba?. Kaya pala ganun na lamang ang pagkahilig ni Cecille sa musika dahil may pnaghuhugutan ito ngunit heto pa rin sya nagpapakatatag at umaasang balang araw mamahalin din sya ng taong pinakamamahal nya.
Minsan ako'y nakiusap kay Cecille na samahan ako sa nayon dahil ibig kong mamasyal doon,agad naman ako'y kanyang pinagbigyan sa nais ko. Nilakad lamang namin ito upang matagal-yagal din ang aming usapan,hindi naman namin ramdam ang pagod at ngalay ng aming mga paa sapagkat naaaliw kami sa aming kwentuhan at halakhak at bukod pa don napakaganda ng mga tanawin. Nang kami'y makarating, may kalapititong napakalawak na karagatan, napakaganda nito. Pumaroon kami ni Cecille, nang makarating kami sa tabing-dagat may nakita kaming isang taong nakasalampak sa dalampasigan, wala syang kasama kung kaya't nagpasya kami ni Cecille na lapitan sya, binati namin sya at kami'y kanyang nginitian nya, napakatamis ng kanyang mga ngiti,nagpakilala sya, sya si Cris. Tinanong namin sya kung bakit msya lamang ang nag-iisa sa dalampasigan, nais nya lamang daw mapagmasdan ang kagandahan ng dagat.
Si Cris ay napakasayahing tao,sya yung tipong tao na parang walang pinoproblema sa buhay sapagkat laging nkaukit sa kanyang muhka ang kanyang mapang akit na ngiti. At kapag sya'y humalakhak na ay parang wala ng bukas hindi ka mababagot kasama sya sapagkat masarap syang kasama., makakalimutan mo ang iyong problema kapag kasama mo sya dahil sa mga nakaktawa nyang mga kwento. Agad na mapapanatag ang iyong loob sa kanya. Bagamat hindi pa kami lubusang magkakilala ay agad nya kaming inanyayahan ni Cecille sa kanilang tahanan. Nung una'y tumanggi kami ni Cecille ngunit sadyang mapilit itong si Cris kung kaya't pumayag na kami pumaroon sa kanilang tahanan. Ipinakilala kami ni Cris sa kanyang butihing ina, hindi man kalakihan ang kanilang bahay ngunit ramdam ko ang pagmamahal sa tahanang ito. Parang ibig kong manatili na sa kanila at maging parte ng kanilang masaya at buong pamilya. Apat silang magkakapatid at pangatlo si Cris Kwento nga ni Aling Martha, ang ina ni Cris ay sadyang masayahin at mabait itong si Cris kahit sino nga daw ang makasalubong nitong tao sa daan eh babatiin nya. Ngunit minsan raw ay lumalabas ang ugali nitong pilya. Nang minsan nga daw na nagpatimpla ang kanyang ama na si Manong Ruel ng kape sa halip na asukal ang ilagay ay asin ang inilagay nito. Di nakuhang nagalit ang kanyang ama sapagkat natawa na lang ito sa reaksyon ng muhka ni Cris. Sadyang malikot talaga ang kaisipan nito ni Cris pagdting sa kapilyahan. Magdadapit hapon na nang kami'y lumisan sa tahanan nila Cris sobrang nasiyahan kami ni Cecille sa pakikipagusap s pamilya ni Cris. Habang kami'y papalakad na, tinanaw ko na muna pabalik kung saang lugar ko nakilala ang bago kong kaibigan,lugar kunng saan nakaramdam ako ng tuwa't ngiti na ang sarap balikbalikan, bago kami tuluyang lumisan hiling ni Cris na sana'y pagtagpuin muli kami ng tadhana, ako'y ngumiti at nangako naman sa kanya mauulit pa muli iyon. Masarap balikan ang kanilang lugar malapit sa dagat, napakapresko at tahimik at nkakaginhawa pang pagmasadan ang dagat mula dito. Sino nga ba naman ang hindi babalik sa gantong lugar diba? sobrang mapangakit. Habang kami'y naglalakad winika sa akin ni Cecille na sana'y doon na lamang sya nakatira sa lugar na iyon sapagkat damang dama nya ang kasaganaan at pagmamahal. Tinugon ko sa kanya na ganun din ang aking nadarama, ngunit kailan kaya kami makakabalik sa lugar na iyon? sana'y dumating na ang araw na kami'y maparoon muli.