I want to share this situation when I rode on a jeep, Puno ang nasakyan naming jeep at nasa dulo kaming upuan malapit sa mismong pasukan ng pasahero habang nasa tabi ko naman yung kaibigan ko, habang karamihan naman sa mga nakasakay ay mga estudyante katulad namin. huminto yung jeep at may lalaking madungis na sumabit sa mismong daanan ng mga pasahero. Madaming tao ang nagreklamo dahil nahaharangan daw ang kanilang daanan, o kaya naman ay hindi daw kaaya-aya ang amoy, karamihan naman sa kanila ay gusto na itong pababain ngunit hindi lamang iyon pinansin ng driver ng jeep at patuloy lang sa pagmamaneho. Tinitigan ko lamang ang lalaking nakasabit at sa tantya ko ay nasa 20+ pa lamang ito ngunit dahil nga sa madungis niyong mukha ay hindi ko talaga matukoy kung ano ang kanyang itsura at ang kanyang edad, Huminto ang jeep at biglang bumaba ang lalaki marahil ay ito na ang kanyang destinasyon, ang akala ko ay aalis na lang siya bigla ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang pagsasabi niya ng "Thank you po" halos magulat kaming lahat ng nandoon, tinitigan ko ang mga naroon ay napayuko na lamang, siguro dahil sa kahihiyan? Ngunit kung ano man ang dahilan ay sila lang ang nakakaalam.
Lesson: Not all well mannered people are educated or at school, Sometimes they're everywhere.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
Ficción GeneralI'm so bored that's why I want to share something :) hope you like it guys