Ang Kwento Nating Dalawa

4 0 0
                                    

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan,
Kung sa unang-una o sa kadulu-duluhan.
Marami akong pwedeng ikwento;
Paano nga ba tayo umabot dito?
Sa kalagitnaang magulo;
Sa pinakaunang masayang alaala;
At sa katapusang sakit ang dala.

Ayoko nang ikwento yung masaya;
Dito tayo, sa dulo na.
Kung paano ka nagbago,
Kung paano tayo naging malabo.
Kung paano nabalewala ang lahat;
Kung paano isa-isang nawala ang lahat.

Pero mahal ko, 'wag kang mag-alala.

Mamahalin kita hanggang dulo.
Pero papakawalan ko na ang sarili ko.
Sa hirap, at sa sakit;
Dulot ng pag-ibig na mapait.
Ang tanging hiling ko lang,
ay maging masaya na tayong dalawa.
At tulad ng sabi niya.
Ito na ang huling tulang isusulat ko:
Ang kwento nating dalawa.

Ang Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon