Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko,pasado alas 7 na pala,maaga pa pasok ko ngayon,kahit sobrang gusto ko pang matulog at magmoment kasama ang kama ko kaso baka malate na naman ako mapagalitan na naman ako ni Ms.Cruz,sobrang taray pa naman nun,sya pinilit ko na ding tumayo at dumiritso sa cr para maligo.Pagkatapos ko bumaba na ako sa ketchin para kumain ng breakfast.Bumungad sakin ang bestfriend ko na si Ronnie na kumakain.Kahit kilan talaga ang kapal ng mukha nito,palagi na lang siya ditong nagbebreakfast,ang dami dami nilang katulong sa bahay imposimbleng di siya pinagluluto ng mga yun.Dahil palagi naman akong walang kasabay mag breakfast siya na lang madalas yung kasabay ko.Si Mom and Dad busy sa mga business namin at madalas ding hindi ko na sila nakakasabay sa mga ganito bagay.Si Kuya Ford naman hindi ko talaga siya makakasabay kasi nasa France siya.Kaya pinagtitiisan ko na lang tong bestfriend ko na to na bukod sa makapal ang mukha matakaw rin.
"Bes aga mo atang nagising ngayon?"Bungad sakin ni Ronnie.
"Anong maaga,ikaw baka ang maaga dito,ang aga mong magtakaw."sagot ko naman sa kanya.
Nagmake face lang siya yung parang wacky,sarap hilahin nung nguso niya.Pero imfairness ang cute niya pa din.Bye the way si Ronnie is my childhood bestfriend and sa lahat ng bagay magkasama kami,kaya nga ang kapal kapal ng mukha niya pag magkasama kami.Pero sa totoo lang nagagawa niya lang yung pagiging siraulo niya kapag magkasama kami.Sa school kasi his one of the most famous hearthrob at sobrang pasaway at makulit din siya,ako naman may times na bad at good ako.Hindi ko alam masarap lang sa feeling kapag may pinagtitripan e.Hindi rin ako yung tipo ng babae na pagirl.May boyish side din ako,si Ronnie din yung nagturo sakin kung paano maging matapang before kasi madaming naiinis at nagagalit sakin ng dahil sa itsura ko,ayaw ko na mismo sa bibig ko manggaling pero sabi nila madami daw naiinsecure dahil maganda ako,dahil maganda daw ako feeling daw nung iba maarti,maldita at suplada ako yun yung first impression nila ,kaya madalas ako sabihan ng mga tao ng masasamang salita ng dahil doon,dumating din sa time na ayaw ko ng magaral at pumasok sa school dahil halos lahat sila ayaw sakin.Pero one day Ronnie talks to me,sobrang lalim nang pinagusapan namin.Sinabi niya sakin na "Hayaan mo lang silang ibash ka or magalit sila sayo,kasi hindi ka naman talaga kilala ng mga yun e,saka naiingit lang sila dahil maganda ka,you're perfect,naiingit sila dahil meron ka na wala sila.Wag mo silang pansinin,dahil hindi nama nila binibigay yung mga bagay na gusto mo.Be yourself Juls.Maging matapang ka lang in a good way." Yun yung hindi ko makakalimutan na itinuro niya sakin.Minsan niya lang din ako kinausap ng ganun.Minsan lang din siya maging matino.Minsan kasi tinutuyo siya e.
Pagtapos namin magbreakfast ay pumunta na kami sa school,sa kotse niya ako sumakay wala lang pinasakay niya lang ako sa bago niyang car na Ford Mustang.
"Sino unang pinasakay mo sa dito?."-Tanong ko sa kanya.
"IKAW !" mahinahon niyang sagot.
"Naku Ronnie,wag ako ha.Madami ka ng chicks na napasakay dito noh?Pakilala mo naman ako." - pagbibiro ko sa kanya.Hindi naman kasi ako naniniwala na ako ang una niyang pinasakay dun,ang dami niya kayang girlfriends,kaso maaarti and bitch.
"Bahala ka,ikaw nga unang pinasakay ko dito,at ikaw na ang huli."-Muli niyang sagot sakin.Ako daw ang Huli?Siraulo talaga tong si Ronnie binibigyan niya ako ng mga ganun sagot,ginagaya niya pa ako sa mga girls niya na kunting bola bumibigay na.
"Baluga ka talaga,pwde wag ako bes baka masakal kita."-sagot ko sa kanya habang nakacrossleg sa upuan ng kotse niya.
"Hoy yang paa mo,ibaba mo nga yan.Ambaho baho ng paa mo e,amoy patay na daga."
"Hoy din,ang kapal mo ha,kahit amuyin mo pa to mabago to." Itinaas ko pa yung paa ko at pinaamoy sa kanya todo iwas naman siya at tinatapik yung paa ko,saka nakashort naman ako kaya okay lang na itaas ko yung paa ko.
"Kaderi ka ha.Alisin mo yan paa mo bibinyagan mo pa yung upuan ko."
Natatawa naman ako nung mga oras na yun,natatawa ako sa expression ng mukha niya para siya bakla na irap ng irap.Ako naman yung pinagtripan niya,habang nakahawak yung isang kamay niya sa manibela,yung isang kamay niya naman kinikilit ako.Ako naman todo iwas ang lakas kasi ng kiliti ko sa tagiliran.The whole ride tawa lang kami ng tawa as in mamamatay na ata kami sa tawa.
Nang makarating na kami sa school.Sumalubong naman sa amin ang mga nakakainis na tingin ng mga schoolmates namin.Feeling ko mapapaaway na naman ako ng mga oras na yun,pinigilan lang ako ni Ronnie.Wag ko na daw patulan,dahil matatalo lang din naman daw yung mga yun.
Nagkahiwalay lang kami ni Ronnie nang papasok na kami sa kanya kanya naming classroom,hindi ko siya classmate.
"Juls,sasabay ka ba maglunch or hihintayin pa natin si Ronskie." Yaya sakin ni Maris."Speaking of him padating na siya." dagdag ni Maris.
Nang makalapit samin si Ronnie bigla naman niya kaming kinaladkad patakbo ni Maris hawak niya kami sa tagisa niyang kamay.Ano na naman bang problema ng lalaking to.
"Hoy Arthuro ano bang problema mo?Bitawan mo nga kami."-sabi ko sa kanya ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sakin.
Minsan talaga may pag ka wirdow tong lalaking to.
Hanggang sa binitayan niya lang kami ng nakarating na kami sa harap ng cafeteria."Omorder na kayo bilis." anak ng pitumpot puting tupa.Umatake na naman katakawan niya.Kaya naman pala,kinaladad kami,uutusan lang pala kaming omorder.Sa inis ko hinila ko yung isang tenga niya.Aray lang siya ng aray.Si Maris naman tawa lang ng tawa.Si Maris yung naging audience namin.
"Osge mag away muna kayo dyan order muna ako.Bugbugin mo yang lalakng yan Juls pakiusap." sabi ni Maris habang tawa ng tawa.
"Maris yung favorite ko ha."pahabol naman ng kutong lupang to."Juls,
stop na ang sakit ng tenga ko e."pakiusap ni Ronnie habang kumakain.Hindi ko pinapansin siya at pinagtripan ko na siya.Nanggigil ako sa kanya e.Ilag naman siya ng ilag dahil hinahampas ko siya ng bagpack ko,lahat naman ng dumadaan sa canteen ang sama na ng tingin meron naman natatawa.
Tinigilan ko na din siya dahil napagod na ko.Ganun din naman siya.Habang inaayos ko yung tali ng uniform ko,bigla naman akong binuhat ni Ronnie.Yung katawan ko nasa balikat niya.Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ginagawa niya.Pinaghahampas ko ulit siya ng bag ko.Hanggang sa makarating kami sa table namin dun niya lang ako binitawan.Nakita ko agad yung buhok ni Ronnie at pinagsasabunutan yun.Si Maris naman nabaliw na ata wala ng ginawa kundi tumawa ng tumawa,natripan pang mag vedio.
---------------
Done for this Chapter HAHA.Di ko alam kung may scence ba tong 1st Chapter na to 😂