Naglalakad ako sa hallway napansin ko na walang masyadong tao,ano kayang meron alas 8 na,siguro may announcement.Habang naglalakad ako papunta sa classroom ko bigla akong hinarangan ni Alex.Ano bang problema ng lalaking to.Bigla niya akong hinila at isinandal sa wall.
"Ano ba Alex?Umalis ka nga dito?" pinipilit kung kumalas sa mga braso ni Alex pero hindi talaga ako makawala.
"Alam mo Julia,matagal na kitang gusto,matagal na kitang type." Bulong sakin ni Alex.Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya,nararamdaman ko din yung mainit na hininga niya.Papalapit na yun mukha ni Alex sa mukha ko,pero nagpupumiglas na ako noong mga oras na yun,pero malakas siya at hindi ako makawala sa kanya.Napapikit na ako.
Naramdaman ko naman ng parang umalis ang katawan ni Alex.
"Sa susunod na bastusin mo pa si Juls,manghiram ka ng mukha sa aso Alex." sigaw na sabi ni Ronnie.
"Aalis ka dito o dodoblehin ko pa yang pasa sa pagmumukha mo."Dinuro naman ni Alex si sabay sabing "Hindi pa tayo tapos Alonte."
Nilapitan naman ako ni Ronnie at niyakap.
"Okay ka lang ba Juls?."
Tumulo lang yung luha ko,kung hindi siguro dumating si Ronnie baka kung ano nagawa nung lalaking yun.
"Wag ka ng umiyak,andito na ko hindi ka na lalapitan ng lalaking yun." mahinahon na sabi ni Ronnie habang pinapakalma ako.
Habang naglalakad kami ni Ronnie sa papunta sa parking lot.Bigla siyang napatigil at napatitig sa mukha ko,hinawakan niya pa mukha ko at nilapit niya yung face niya mukha pa siyang seryoso,kaya kinabahan ako at gustong umatras ng paa ko,nagtayuan din yung mga balahibo ko.Ano to hahalikan niya din ako,siya ung magtutuloy ng hindi nagawa ni Alex.
"Juls,ano ginawa mo sa mukha mo,saka wait bakit di ka na naka ponytail."
Hinawakan niya pa ung buhok ko.Bigla naman akong napabungisngis.
"Sabi mo magayos ako dahil mukha akong lalaki edi inayos ko yung sarili ko,siraulo ka talaga."
sagot ko sa kanya."Kaya naman pala,kaya naman pala ibang aura mo ngayon.Saka nextime ayusin mo yang lipstick mo medyo makapal baka masakal kita."
Hindi ko ding maintindihan takbo ng utak nito e.Sabi niya magayos ako ng sarili tas ngayon sasakalin ako ng dahil sa lipstick.Abnormal din to.
"May tissue ka ba diyan?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit?"- Ronnie.
"Tatangalin ko yung lipstick ko."
"Doon sa kotse meron."
Pagkapos namin sa kotse niya kinuha ko agad yung tissue at tinanggal yung lipstick ko.Bigla namang kinuha ni Ronnie yung bag ko at may hinahanap sa loob.
"Juls akin na lang tong chocolate mo ha,nagugutom na ko e."
napakamot naman ako sa ulo ko,kahit kilan talaga ang takaw takaw niya pero imfairness di naman siya tumataba.Habang kinakain niya yung chocolate,kinuha ko yung make up kit sa bag ko at naisipan siyang pagtripan.Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung mukha niya.
"Bes,wag kang magulo."
sabi ko sa kanya,nguya nguya kasi ng nguya.Nilagyan ko siya ng lipstick saka blush on,tawang tawa naman ako sa mukha niya.Mukha siyang ewan pero ang cute.Kinuha ko pa din ung ponytail ko at itinali sa hair niya.Mukha na siyang baklang napabayaan Hahaha.
Hindi pa ako nasiyahan,kinuha ko pa ung phone ko at nagselfie kami ng nagselfie tawang tawa talaga ako sa mukha niya,siya din natatawa sa sarili niya.Inagaw niya pa yung mirror ko at tinitigan ung face niya."OmyG ! Ang gandara ni Akes ! " sabi niya, tawa lang ako ng tawa kasi ang galing niyang mag gay language.
"Tara na bes ,gora na tayis." muli niyang sabi at binuhay ang makina ng kotse niya.
Habang nagdadrive,kinukuhaan ko pa siya ng vedio kasi kumakanta pa siya feel na feel niya yung make up sa mukha niya.
"Hoy babae tuwang tuwa ka naman sakin.Tanggalin mo tong make up na to.Patay ka sakin."
finlip niya pa yung maikli niyang hair.Pinark niya muna ung kotse niya,may dinner kasi family niya at sinama niya ako sa resto nila.
Tinanggal ko yung make up sa mukha niya face to face tuloy kami,habang tinatanggal ko yung make up niya nakatingin lang siya sakin ako naman nagmamake face wacky lang sa kanya.Ilong ko naman ang napagtripan niya pinipisil pisil niya porket pango siya.
Nung nasa part ako ng lip niya,naakward ako pero di ko pinahalata kay Ronnie,baka kung anong isipin niya baka sabihin niya pinagsasamantalahan ko labi niya,mag assume pa to.Kasi yung labi niya nakakadistract ang pinkish kasi.
Pagpasok namin sa Resto nila,nakita naman agad namin sila Tito Ron at Tita Glenda,kasama ang mga brother and sister ni Ronnie.
Habang kumakain nag kukwentuhan lang kami.Hanggang sa magtanong si Kuya Rommel kay Ronnie.
"Bro,kilan mo ba liligawan si Juls?" Tanong ni Kuya Rommel,bigla naman akong napatigil sa pagkain at hinihintay ang sagot ni Ronnie.
"Joke lang." bawi ni kuya Rommel,baliw din siya minsan.
Alam naman nila na childhoodbestfriend kami at malabong ligawan ako ni Ronnie dahil parang kapatid na ang tingin namin sa isat-isa kahit minsan may pag ka abnormal kami parehas.
---------