Julia's Pov
Ilang araw ko ng hindi nakikita si Ronnie.Ilang araw ko na din siyang hindi nakakausap ni hindi ko na din siya nakakasama,magkikita man kami pero palagi niyang sinasabi na may pupuntahan siya na busy siya.Pati mga ka teamates niya at mga barkada niya hindi din alam,di na rin daw kasi umaatend ng mga practice game at training si Ronnie.Ano kayang nangyayari sa lalaking yun.Nagaaalala na ako e.Naisip ko na puntahan siya sa bahay nila pero hindi ko siya naabutan ang sabi ng kapatid niya na si Renz maaga daw umalis may importante daw na pupuntahan.Ano ba nangyayari sa lalaking yun,maging sa text at tawag ko di din siya sumasagot.Alam kong may problema,kilangan ko siyang makita at makausap.Kinabukasan ....
Naglalakad ako sa hallway papunta ako sa classroom dahil naiwan ko yung notes ko,ng makita ko si Ronnie na naglalakad mukhang kakagaling niya lang sa classroom.Ilang beses ko siyang tinatawag pero hindi niya ako pinapansin.Hanggang sa hinabol ko na siya doon pala niya ako nakita."Ronnie,bakit ngayon lang kita nakita bes?Saan ka ba nagsususuot ?." Tanong ko sa kanya.
Kaya naman pala hindi niya ako marinig dahil may nakasalampak siyang earphone sa tenga niya.Tinanggal ko yun para marinig niya naman yung mga sinasabi ko."Bes,ilang araw ka na ding hindi pumapasok.Saan ka ba nagpupunta.Saka bakit may hikaw ka na?" Sunod sunod kung tanong.
"Bakit ba ang dami mong tanong.Ano bang pakialam mo sakin,saka ano ba kita.Pede kung wala ka naman itatanong sakin na matino,wag mo na lang akong kausapin."sagot niya sakin,Tinalikuran niya lang ako at muli niyang isinalampak sa tenga niya ung earphone.
Natigilan naman ako sa mga sinabi niya.Ano nga ba niya ako?Kaibigan niya lang naman ako.Bakit nagkakaganun siya hindi naman siya ganyan dati,Bakit nagbago siya.Namimiss ko yung Ronnie na makulit,yung masayahin,yung Ronnie na kasama ko sa lahat ng bagay.Sa kalukuhan sa lahat lahat.Bakit bigla siyang nagbago,hindi ko na siya kilala.Bakit ang lamig lamig niya sakin.May mali ba akong nagawa.Mali bang maging concerned sa taong malapit at special sayo.
Habang nakatayo ako sa hallway tumutulo na din pala ang mga luha ko.Hanggang sa marinig ko ang boses na parating agad kung pinunasan ang mga luhang yun."Bes,Let's go na.Hinihintay na tayo ni Jaoao sa gate kanina pa siya dun,nakita mo ba ung notes mo?"
Tanong sakin ni Maris."Teka bes umiyak ka ba?" tanong muli ni Maris.
Binigyan ko lang siya ng magandang ngiti.
"Hindi,napuwing lang ako bes." pagpapalusot ko habang pinupunasan ung mukha ko.
"Bakit ka umiiyak?Kilala kita bes anong problema?"
Masakit pala talaga na yng bestfriend mo ipagtabuyan ka.Hindi ko alam ang gagawin,kahit un lang sinabi niya sakin sobrang nasaktan talaga ako.
Tinignan ko lang si Maris,mukhang naghihintay din siya ng sagot ko.Alam ni Maris kapag may problema or nagdadahilan ako hindi niya talaga ako titigilan hanggang hindi ko sinasabi.
"Si Ronnie,i saw him.Hindi ko alam bes nangyayari sa kanya.Hindi na siya yung Ronnie na kilala ko.Ang cold niya na.Pinagtabuyan niya pa ako kanina.Masama bang maging concern sa kanya bes." sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko,pipunasan naman yun ni Maris.
"Bes,baka may problema lang siya.Siguro gusto niya lang mapagisa."
Kilala ko si Ronnie,kapag may problema siya sinasabi niya sakin pero bakit this time hindi,alam kong may mali sa mga nangyayari.Kilangan kong malaman yun.
"Siguro nga bes." sambit ko kay Maris at naglakad na palabas ng school.
"Juls,may sasabihin ako sayo." aligagang sabi sakin ni Maris.
"Ano yun bes?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita ko si Ronnie,kahapon kasama ng mga tropa ni Alex.Diba kasali sila sa fraternity."- Maris