Aly's POV
Nervous. Excited. And Afraid. Hindi ko maipaliwanag ang feeling ko ngayon na nasa harap ng airport. 6:10 na ng umaga at 6:30 na ang alis ko, sinadya kong di magtext o tumawag kay Mac para masurpresa siya pag nalaman niyan ilang kilometro na lang ang layo namin sa isa't-isa.
Napatingin naman ako ngayon sa katabi kong si Aiah na kanina pang nag-eemote.
"Tumigil ka nga Aiah! Parang apat na taon lang naman ako doon!" Sabay batok ko kanya. Nako, arte talaga nito kahit kailan.
"Lang?! Nila-lang mo lang?! *sniff* ang tagal kaya non!" Napa-irap naman ako sa kanya. 'Haynako aiah'
"At least babalik naman ako diba? Duh~ saka may cellphone no! Holler~?" With hand gesture kong sabi sa kanya.
"Oo nga no? Hehe... Basta! Lagi kang tatawag ah?!"
Napabuga naman ako ng hangin dahil sa kakulitan ni Aiah. Maya-maya pa ay inanounced na ang next na flight papuntang manila. 'Oras na'
"Bess! Ingat ka doon ah?! Mamimiss kitang abnormal ka!" Naiiyak na sabi ni Aiah saka ako niyakap. Aww~ mamimiss ko talaga loka na'to pati yong mga magulang ko, isama mo pa pala yong buong tropa ko.
"Drama mo bess! Hahaha, di kita mamimiss no! Asa ka." Sabay belat ko sa kanya at nagsimulang maglakad papalayo sa kanya. I give her a quick smile saka nagsimulang maglakad ng mabilis, hindi dahil sa excited ako o ano man. Ayoko lang na makikita niya akong unti-unting lumalayong lumuluha.
'Sorry and good bye... But I'll be back soon'
--
Napamulat ako ng mag-announce ang flight attendant na lalapag na daw kami. After a few instructions nakalapag nadin kami ng safe, inayos ko ang sarili ko saka tumingin sa relo ko. '7:47 na pala'
Kinuha ko ang isang bag ko saka ang maleta bago bumaba ng eroplano. Malamang, alangan naman iiwan ko 'yon don diba? Psh.
Nang makarating na'ko sa labas ng airport ay hinanap ko agad ang sundo ko na si Kuya Stephen, anak siya ng tita ko and to tell you girls! Matangkad, educated, gwapo saka mabait 'tong si Kuya Stephen! Hahaha, kaso may fiance na. Sorry na lang.