Third's POV
Lahat ng tao deserve ang magkaroon ng chance. Kahit paulit-ulit ka pang niloloko, sinasaktan at pinagmumukhang tanga. Huwag kang matakot na magbigay ng pagkakataon. Lahat ng tao may rason, may pinagdadaanan o sadyang inuugali na talaga ang kasakiman.
Marami nang taong bulag at nagbubulag-bulagan sa panahon ngayon. Yong tipong paborito na 'yong line na 'Okay lang, mahal ko e'. Pero marami rin ang taong madaling mapagod, sumuko at bumibitaw sa simpleng problema kasi alam nilang masasaktan lang sila sa huli. Sila yong taong wais kumbaga pero sila rin yong taong 'nasaktan na noon, takot na ngayon'
At ang pinaka kunti na lang sa mga tao ngayon ay ang tinatawag na 'masaktan man, gora lang'. Sila yong taong magaling mag-pretend at sila rin yong taong pagod na pagod na pero hindi parin sumusuko kahit isang million pa ang dahilan para sumuko. Let say na sila yong taong matatapang, tapat magmahal at handang magsakripisyo para sa taong minamahal kahit ikasakit man ng sarili.
Kilalanin natin si Aly. Kabilang sa mga taong 'masaktan man, gora lang'. Alamin natin ang kwento ng kanyang buhay pag-ibig.
-----
Aly's POV
Bigla akong napamulat ng mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko at tinignan ang laman ng message galing sa kanya.
From: Mongi<3
Abno, matulog kana! Ibalik mo na sa lalagyang yang cp mo. Nakoo, pagnahuli ka ni Papa.. Lagot kang bata ka. XD
Napangiti ako habang binabasa ang message niya. Alas-onse na ng gabi at wala ni isa sa'min ang balak na matulog. Ganito kami ni Mac or shall I say boyfriend ko. Long distance relationship kami at actually hindi pa kami nagkikita sa personal kahit tatlong-taon na kaming magkasintahan.
Ito lang ang time na nag-uusap kami kasi busy siya sa school niya tas ako din. Graduating na'ko this year kaya focus muna sa study pero still, may oras parin ako kay Mac.
Pinindot ko ang reply saka nagtype ng message para sa kanya.
To: Mongi<3
Opo, opo. He'to na nga o. Good night Mongi. <3 Tulog ng mahimbing ah? Iloveyou.
Pagkatapos kong mag-type pinindot ko agad ang send saka tinago ulit ang cellphone sa ilalim ng unan. Ilang minuto pa naramdaman ko ulit ang pag vibrate ng cellphone. Pero di ko na ulit ito binuksan pa kasi alam ko naman ang irereply niya. Malamang 'Iloveyoutoo'. Pinikit ko ang mata ko saka 'di ko na namalayan nakatulog na pala ako.
--
Napaungol ako ng mahina ng maramdaman ko nag-vvibrate ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa ilalim ng unan ko saka sinagot ang tawag ni Mac.