Chapter 2

5 0 0
                                    

Pagkaorder namin ni Nathaniel umupo lang kami dun sa booth malapit sa bintana. Nasa 3rd floor pa naman tong Starbucks kaya hindi ako masyadong tumitingin sa baba. Fear of heights.

Nakaramdam ako ng kamay na nakapatong sa kamay ko. Si Nathan pala.

"Okay ka lang?" Nirub pa nya yung thumb nya sa knuckles ko. Bait.

"I'm fine. Ang taas kasi eh." I laughed.

"Pakatapos natin dito punta tayong arcade?" Tinanong nya ako at uminom ng frappe nya.

"Of course! 5D pa tayo. Nakakamiss!" Sabi ko.

He chuckled and we continued with our drinks.

After about 15 minutes naubos rin namin yung iniinom namin. At nagorder pa pala kami ng pagkain. Nagutom kami eh.

Eto na kami ngayon papasok na sa arcade. Ang daming mga estudyante rin sa school namin. Hay, hirap kapag may malapit na mall.

Pumunta kami dun sa pinakadulo kung nasan yung 5D cinema. Pinili ni Nathan yung nakakatakot. Ang bait nya kasi. Hahaha. Pero baka naghahanap lang ng time para maka tsansing.

"Ready?" Tanong nya habang sinusuot yung glasses.

"More than ready." Pumasok na kami tsaka umupo.

"You better be." Bulong nya sakin saka namatay na yung ilaw. Nagplay na yung film. Eto na...

•••

"Na-Nathaniel? An-ano yun?!" Sabi ko habang pinapalo sya. "I'm gonna have freaking nightmares!" Nagpout ako. Katakot.

"Don't worry." Grabe to. Natawa pa. "Just call me if you have a nightmare. Okay?" Nagnod naman ako.

"Laro nalang tayo." Sabi ko at tinuro yung part na may mga basketballan. Yung nagpapashoot. Iieee, di ko kasi alam yung pangalan.

"Bili muna tayong tokens." Pumunta kami dun sa may counter are bumili ng tokens. Si Ate kung makaflirt parang walang girlfriend. Tch.

"Yun lang po ba?" Sabi nyang nakatingin kay Nathaniel. "Wala na pong iba? Eh number ko po?" Nagroll lang ako ng eyes ko.

"May girlfriend ako, sorry." That's right.

"Ay, akala ko kapatid mo." Ay kapal.

"Shut up." Sabi ko at nagbayad na si Nathaniel. Kinuha ko yung mga tokens at pumunta uli doon sa place na yun. Arms wrapped around my waist helped me calm down.

"Kalma, ikaw lang ang mahal ko." Sabi nya.

"Alam ko. Nakakainis kasi eh. Kapatid mo ako? Sampalin ko yun eh." Sabi ko.

"Kalma nga eh. Laro nalang tayo. Pahingi token." Binigyan ko sya. At naglaro na kami.

•••

"CR muna ako, Nathan." Sabi ko at naglakad papuntang CR.

"Ingat ka." Parang namang may rapist dito. Hahaha.

"Opo."

Pakadating ko dun, pila ang sumalubong sakin. May 3 babae ang nasa harap ko. Ay, Jusko po. Edi mag-antay.

After 10 minutes ayun na! NakaCR na rin ako. Paglabas ko may mga Kuya na nakasuot rin ng uniform namin. Parang Senior High na sila.

"Hi, miss." Sabi ni Kuya na nakasombrero.

"Hi?" Sabi ko at naglakad na paalis.

"Miss kausap ka pa namin. Wait lang." Sabi nung nakabrace. Kapal humawak pa sa balikat ko. Inalis ko yun tsaka hinarap sya.

Sorry, I'm TakenWhere stories live. Discover now