F I V E

571 16 1
                                    

☆ Si Flora at Jane ay iisa lang. Flora Jane po ang full name niya. I'd like to hear your feedbacks :) Enjoy reading. Sorry kung late ang update, busy sa studies eh.☆

Aurora's POV:

Bumaba ako sa hagdan ng naka-spaghetti strap at gray pajama. At sa gulat ko, andoon si Nevin sa baba na naka-tuxedo.

"Well, hello there gorgeous." Inalalayan niya ako sa pag baba.

"Kanina pa ba? Late talaga ako nagigising. Nag almusal ka na? Ipag luto ka nalang ni manang. Ako nalang kaya mag luto. Kamusta tulog mo? Ayos ka lang ba? Sorry ha. Ngayon lang talaga ako nagising."

Natahimik siya at ngumiti sa akin. Bihira ko makita ang mga ngiti niya kaya naman ay ikinagulat ko ito.

"Wow. Just... Wow. I could get used to this every fucking day." Nakangisi niyang sabi sakin.

Pinitik ko yung tenga niya. "Oww! Para saan yun?" Naka-simangot na ito ngayon.

"Ayoko ng nag mumura. Kaya puwede ba? Mag lagay ka ng filtter diyan sa bibig mo!" Sabi ko at nag lakad palayo sakaniya at papunta sa kusina.

"Hey, honey, I'm sorry. Nasanay lang ako na nag mumura. By the way, I have a proposal to make." Sabi nito at humilig sa kitchen counter.

"At ano naman iyon?" Tanong ko habang nilalagyan ng butter ang toast at iprinito yung longganisa.

"One bad word. One kiss." Sabi nito at kumindat.

Nakakapag taka naman kung anong sapi nitong lalakeng ito ngayon, kasi hindi naman siya madalas ngumiti ngiti at maging good mode. Ano toh?

"Excuse me?" Pag tataray ko.

"You heard me. One bad word. One kiss."

Napalunok ako sa 'proposal' niya. Itinirik ko ang mga mata ko.

"Pwede ba, Nevin. Di ka nakakatawa."

"Oh I'm not joking. Oh and, I'm taking you to our company."

Whhuutt?

---

At sa gulat ko, oo nga, idinala niya ako sa kompanya niya. Kahit kelan talaga itong lalakeng toh.

At buong araw, ay wala na siyang ginawa kundi sigawan at pagalitan ang mga empleyado niya. At ako naman ay puro sorry sakanila.

Nakaupo ako sa sofa sa loob ng opisina niya, ng dumating ang kaibigan niya.

"Hey hey Nevin!" Anang isang lalakeng mahaba ang buhok at moreno. Teka parang kilala ko siya. Nasa ano toh... Ano nga ba? Kelan ko ba siya nakilala?

"Lumayas ka dito, Seph. Di kita kailangan." Sabi nito na tinataboy ang lalakeng kapapasok lang. Tumingin siya sa akin.

"Sino toh?" Ngumisi siya.

Magkaibigan nga sila.

Nag angat ng tingin si Nevin at umupo sa tabi ko. "My fianće. Ano ba kailangan mo?"

"Nice to meet you soon to be Mrs. Parker. I'm Joseph O'Connel, owner of JemDa International Airport. Its nice meeting you." Inilahad nito ang kamay niya, aambutin ko sana ng tapikin iyon ni Nevin.

"Ayaw niya ng formal."

"Or ayaw mong ipahawak ang kamay niya?" Taas baba ang kilay niyang pangaasar.

Tumawa ito at tinapik ang balikat ni Nevin. "Handa na ang private plane mo. Tinawagan ko na din yung piloto mo. Letsugas kang tamad ka. Ginagawa mo akong katulong." Umalis na ito at hindi man lang isinara ang pinto.

Married At 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon