SME-03

16 0 0
                                        

AJ's POV

Napatingin kaming lahat kay Tricia

"Ah-eh" yan lang ang nasabi niya

Nakita kasi namin siya kanina,nabunggo siya ng isang lalaki at natapunan siya ng coke na hawak ng lalaki

Gusto namin siyang lapitan kanina at sapakin yng lalaki pero mabilis ang mga pangyayari kaya hindi kami nakalapit

"Sorry kuya,kilala niyo naman kasi sina mommy at daddy" sabi niya

Oo grabe kasi sila,ayaw ni mommy at daddy na may bumabastis sa aming magkakapatid..

Kagaya nalang nung grade 10 ako,may nambully sa akin at pinagtripan ako, nalaman nila mommy at daddy yun,galit na galit sila kaya pinatanggal nila sa school yung mga yun at sabi sabi na nawalan din daw ng mga trabaho ang mga magulang nila kaya siguro takot din siyang ganun ang mangyari sa lalaking nakabunggo sa kanya
  


"Mga kuya,ate,Zia pwede bang secret nalang muna natin to?" Sabi ni Tricia

Napatango nalang kaming lahat kasi biglang dumating si mom at dad.
  

Kumain lang kami at pagkatapos,of course picture picture nanaman saka pagtapos,lumabas na kami saka dumiretso sa department store


"Hey hunny,dun lang muna kami ng mga boys ha" sabi ni dad kay mom,napatango naman si mommy saka naglakad na sila palayo



Tricia's POV

Haha tuwing mag mamall kami ay ganyan..

Laging humihiwalay sila dad at kuya sa amin kasi nga daw iba ang mga lalake sa mga babae

Pumayag naman si mommy kasi iba daw talaga
 

"Ah mommy,pwedeng humiwalay muna kami ni Tricia?,you know teen agers?" Sabi ni ate kay mom

"Haha okay okay,dalaga na talaga ang mga anak ko wag kayo magpakalayo layo ha,tawagan ko nalang kayo pag uuwi na tayo ha?" Sabi ni mommy
 

"Ah wait mom,money?" Paglalambing ko kay mommy

Napatawa si mommy habang kinukuha ang wallet niya,inabutan niya ako ng 6k pati na si ate.
 

"Alam ko may mga pera pa kayo jan" sabi ni mommy.

Umirap lang si ate kaya napatawa si mommy

Naglakad na kami palabas ng department store at pumunta sa The Face Shop

Madami daw siyang bibilhin eh.

Ang arte niya kasi..

Pero hindi naman pwedeng papanoorin ko lang siyang pumili at mamili ng kung ano ano

Kaya pumili din ako ng akin

Pagkatapos ay pumunta na din kami sa National Bookstore at namili na ng mga gamit sa school


Ang dami na naming nabili kaya umupo lang muna kami dito sa Foodcourt at kumain

 
"Ate,nabanggit na ba ni mommy at daddy sayo kung saan yung bago nating school?" Tanong ko kay ate.

"Uhm hindi,pero ang sabi ni dad eh pagmamay ari daw ng kaibigan niya ang school na yun" sagot niya saka sumubo ng pagkain niya

"Ikaw sistah,excited ka ba?" Tanong ko

Eh parang may kutob ako na may mangyayaring hindi maganda sa bago naming papasukang school eh

"Ahm..medyo excited rin,kasi naikwento sa akin ni mommy na maganda naman daw yung mga facilities dun,saka madami daw gwapo dun"
Sabay kilig kilig effect pa ni ate

Inirapan ko nga lang siya.

She's my everythingWhere stories live. Discover now