Tricia's POV
Nakakainis yung lalaking yunKumukulo ang dugo ko dun
Pero siyempre diko pinahalata kila mommy at daddy
Siyempre bisita nila yunPero pag nakita ko talaga yun sa school lagot siya
Pero close na siya kila kuya at ate
Ano bang meron sa kanya?
Hindi naman siya mabait ah
"Tricia tara na"sabi ni ate
Papasok na kasi kami sa school
Gamit ni ate yung car niya kaya sasakay nalang ako sa kanya, sayang gas no
Sumakay na kami sa car ni ate
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school
Wala pang masyadong tao
To: Bestie♥
HEY bestie! Morning, saan ka na?
To: Shea bebe♥
Hey bebe, saan ka?
From: Bestie♥
School na ako beyb, kita tayo sa harap ng canteen
From: Shea bebe♥
OTW to school bebe
To: Shea bebe♥
Hinatayin ka namin sa canteen
"Ah ate yung friends mo ay?"tanong ko kay ate
"Ahm wala pa naman sila,may pupuntahan ka ba? "Tanong niya
"Hmm sa canteen ate nandun si Yves eh"sagot ko
"Samahan nalang muna kita"sabi niya
Tumango nalang ako saka naglakad na kami papunta sa canteen
Naabutan naman namin si Yves dun na nakaupo sa may bemch na nakatingin sa phone niya,
Lumapit kami kaya napa angat siya ng tingin
"Hey bestie!"sigaw niya saka agad agad akong niyakap
Niyakap ko nalang siya pabalik
"Hi ate Dreia"bati nito ng nakangiti sa kapatid ko saka humiwalay sa yakap"Hi Yves"sagot din ni ate ng nakangiti
Tinakpan naman ni Yves ang mukha niya dahil for sure kinililig nanaman yan
Kasi nga ang ganda ganda daw ng ate ko,
Maputi,maganda, at mabait
.Crush nga yan ni Yves eh
Oy babae po si Yves, pero yun nga crush niya yung ate ko
Ilang minuto lang ay dumating na si Shea
Agad nanaman kaming nagyakapan
"Ah Tricia, mauna na ako ha nandiyan na sila Mich at Kc eh"sabi ni ate
"Ah sige ate, sasabay nalang ako kila Yves mamayang uwian"sabi ko
Tumango lang siya saka umalis na
Si Yves kasi may sarili ding car
Si Shea din meron kaso di siya pinapayagan mag drive simula nung naaksidente siya
Kaya hinahatid daw siya ng kuya niya
"Guys eh san na tayo pupunta? "Tanong ni Shea saka umupo sa may bench dito sa canteen
Sumunod namang umupo si Yves kaya umupo na din ako
"Oy bestie, bat wala ka nga pala kahapon? "Biglang tanong ni Yves
Oo nga pala di na kami nagkita kita kahapon
Bigla namang naalala ko si Xavier
Ugh! Nakakainis talaga yun!
"Eh pano nahimatay ako, kaya nagstay kami sa clinic hanggang uwian na"pag e explain ko
"Huh?, nahimatay ba kamo?,at bakit ka naman nahimatay?"sunod sunod na tanong ni Yves
"Uhm oo nahimatay ako kasi kahapon pagkapasok namin nila kuya may biglang nakabangga sakin eh na out balance ako kaya ayun"paliwanag ko
"Eh?, sino naman yung nakabangga sayo at sasapakin ko"sabi ni Yves at handa na siyang manapak
Natawa naman ako sa inasal niya
"Eh si Xavier Anderson labg naman"sagot ko
"Eh?!"sabay nilang sigaw kaya napatingin yung ibang student sa amin
"Oh anong problema dun?"tanong ko
"Si Xavier Anderson ang anak ng may ari ng school, at siya din ang pinaka heartthrob dito, Hindi lang dito pati na sa malalapit na school dito, varsity siya ng basketball dito"pag e explain naman ni Yves
"Oo alam kong siya ang anak ng may ari ng school, pero san mo naman nalaman yang mga impormasyon na yan? "Tanong ko
"Eh siyempre nalaman namin kahapon sa mga dati nang nag aaral dito"sabi naman ni Shea
YOU ARE READING
She's my everything
FanfictionLahat naman ng tao ay may kanya kanyang kagustuhan sa buhay Lahat din ng tao ay gagawin ang lahat para lang makuha ang kanilang mga kagustuhan