Jaicy's POV
Lumipas ang ilang araw na hindi natitigil ang deal namin ni Prince. Noong una ay worried talaga 'ko na baka may makakita sa mga panakaw n'yang halik sa 'kin pero habang tumatagal ay parang hinahanap hanap ko na ang mga labi n'ya.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil parang may iba na 'kong nararamdaman sa kababata kong si Prince. Parang... Parang gusto ko na rin s'ya.
"Are you listening?"
Napataas ang balikat ko sa gulat nang marinig ko ang mas pinalakas na boses ni Prince. G'wapo s'yang nakangiti sa 'kin habang winawagayway ang kamay n'ya sa mukha ko. Nahihiya kong inayos ang nagulo kong buhok at tumingin sa kanya.
"You're spacing out," natatawang sabi n'ya. Tumikhim ako at nahihiyang umiling.
"Hindi ah! May naalala lang ako," pagdadahilan ko. Tumango lang s'ya kahit halata namang hindi naniniwala sa sinabi ko. Muli n'yang tinuro ang canvas sa gilid n'ya. "What does this painting tell you?" tanong n'ya.
Pinagmasdan ko ang canvas na nakapatong sa easel. Naroon ang painting na ginawa n'ya. Ang tagal din palang trabahuhin ng mga artworks n'ya. Inabot kasi s'ya ng one week para sa isang 'to. Saksi ako ng mga oras na ginugol n'ya para sa napakagandang painting na ito.
Umagaw ng pansin ko ang makukulay na pinturang ginamit n'ya. Isang babaeng may buhok na bahaghari. Nakangiti pero may butil ng luha sa kanang pisngi. Mapakla akong napangiti dahil sa mensahe ng painting n'ya.
"A strong and brave person," nakangiting sabi ko. Nilipat ko ang tingin sa kulay asul n'yang mga mata. "Walang takot n'yang nilabas ang makulay na pagkatao n'ya. Nahihirapan pero masaya s'ya. Masaya s'ya na nagpapakatotoo na s'ya. Masaya s'ya kasi malaya na s'ya."
Tumaas ang magkabilang sulok ng mga labi n'ya.
"Yes," tugon n'ya. Napangiti ako nang hilahin n'ya ako paupo sa lap n'ya. Lagi n'ya 'tong ginagawa kapag natutuwa s'ya sa 'kin. Kasunod na nito ay hahalikan n'ya na ko. Hinanda ko na ang sarili para sa muling paglapat ng mga labi namin nang magsalita s'ya.
"I love you."
Parang bulang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa mga mata n'ya. Punong puno ng sinseridad at walang bakas ng kahit anong pagbibiro.
"H-Huh?" hindi makapaniwalang sagot ko. Hinihintay kong bawiin n'ya ang sinabi n'ya pero hindi n'ya ginawa.
"I said I love you," ulit n'ya. Humigpit ang hawak ko sa mga balikat n'ya. Totoo ba ang naririnig ko?
"Mahal kita, Jaicy. M-Matagal na. Bata palang tayo. Akala ko noon infatuation lang. I thought it would eventually go away but six years have passed already and I still do love you." Bakas ang frustration sa boses n'ya at tila hirap na hirap na kumbinsihin ako na totoo ang sinasabi n'ya. Nag-aalala s'yang tumingin sa 'kin. Binabasa ang ekspresyon ng mukha ko.
Binalot kami ng katahimikan. Hindi ako nakasagot sa mga inamin n'ya sa 'kin. Parang tinakasan ako ng boses ko at hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko. Napalunok ako at dahan-dahang tinago ang mukha ko sa leeg n'ya.
Jusko. Hindi ako ready mga bakla!
"H-Hey?" tawag n'ya.
"Teka!" malakas na sabi ko at mas siniksik ang mukha sa leeg n'ya.
"Huh? Why? Show me your face. I want to see you."
"Teka nga sabi!"
"Bakit ba?" nagtatakang sabi n'ya at pilit akong nilalayo sa kanya pero mas hinigpitan ko ang kapit sa balikat n'ya.
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
RomanceWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero