Chapter 13- "Sino?"

1.4K 34 4
                                    

Sarah~

"Time's up! Warm up is over! Immediately go to the bulletin board to see your group! Now!" sunod-sunod na sigaw ni Leonard sa microphone niya. Parang hindi lang naka-microphone e no? =___=" Ampotek! Masakit kaya sa tainga!

Binalingan ko sina Prince pero wala na sila.

"Tch! Iniwan ako," naiiritang sambit ko.

Iniwan nila ako kaya mag-isa kong tinahak ang daan papuntang buletin board--- Correction! May mga kasabay pala ako--- ang ibang 1st years na papuntang bulletin board din. =___=" Ang iingay nila! Chismis dito, chismis doon. Talsik laway dito, shower laway doon. Yaaack! Ayoko sumabay sa kanila! Nakakarindi at nakaka- Uggh! Ayoko na!

Lumingon ako sa kaliwa ko pero walang daanan. Lumingon ako sa kanan--- Ayun! May daan! Bahala na kung saan yun papunta basta hahanap ako ng daan at gagawin ko yung shortcut wahahaha!

Umalis na ko sa 'Death Crowd' at baka hindi ako makapag-pigil at ma-tahi ang mga bibig ng mga chismoso't chismosa dun.

Nakalayo-layo na ko sa crowd at tinatahak ko na ang shortcut. I inhaled and exhaled deeply.

"This place is relaxing..," sabi ko at pinagmasdan ang paligid. Konti lang ang tao dito kaya tahimik and I must say... this place is really relaxing. Naglalakad ako ng may kung anong nahulog sa ulo ko.

"Meow~"

I carried it at pinagmasdan. Itim na pusa. Yes, a black cat. And it's so weird because it's eyes have different colors. A blue and green eyed black cat... Cool!

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa pusa. Oh! I forgot to mention but I'm a cat lover. May tiger ako sa Nakahara Mansion na inaalagaan nina Mommy. At si Oggy, ang bearcat ko na nasa bahay ko dito sa EA. Inaalagaan siya ngayon ni Uncle Thres. Gusto rin kasi sya ni Uncle Thres e ahahahaha!

"Meow!"

"Mag-iisip nalang ako ng pangalan mo para maganda! Ano nga bang magandang ipangalan sayo? Hmm..." sabi ko at hinawakan pa ang baba ko na tila nag-iisip. "Kuroshi! Kuroshi nalang haha..." Palaging nababanggit ni Lola noon ang pangalang 'Kuroshi' kaya 'Kuroshi' nalang ang ipapangalan ko sa kanya.

Napatalon ako sa gulat ng magsalita si Ma'am Evilia na nasa tabi ko na pala. Sabi niya, "Himala! Napaamo mo ang pusang yan."

"Napaamo? Mabait po sya a," sabi ko sabay himas ng ulo ni Kuroshi.

"Nung buhay pa ang amo niya-- Oo mabait siya. Pero nang namatay ang amo niya ay naging stray cat na siya dito. Walang kumukupkop dahil natatakot na baka multo daw yan ahahaha!" sabi niya na bahagyang lumungkot ang mata pero tumatawa. -___- Takas sa mental lang ang trip nitong si Ma'am a.

"Sino po ang amo niya?"

"S-si Celty, ang lola mo," sabi niya at mapait na ngumiti.

May alaga pala si Lola? Bakit di ko alam?

"Ang ipinagtataka ko lang ay bakit alam mo ang pangalan ng pusang yan? Hindi mo alam na may alaga siya diba?"

"Palagi kasi ni lolang binabanggit ang pangalang 'Kuroshi' at gusto ko ring ipangalan yon sa pusa dahil black siya," paliwanag ko innocently. Kuroshi, 'kuro' stands for black and 'shi' stands for death.

"Ah okay. Sige ija, alis muna ako," sabi niya habang naglalakad papalayo at kumakaway sakin.

"Sarah."

Ah... Saan galing yon? Sino yon?

"Sarah. How are you, Sarah?"

Saan? Sino? Who the fuck are you?! 

Empire Academy [UNDER EXTREME EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon