Chapter 11- "Crush- Part 2~"

1.5K 36 2
                                    

Sarah~

Eh? 

I blinked.

Nasa langit na ba ako? Bakit blur? Pero teka, sino namang pumatay sakin? Nasabi ko na ba sa inyo na hindi ako mamamatay? Hindi ako mamamatay dahil—

No one in this fucking world can kill me!

Idinilat ko na naman ang mga mata ko pero blurry parin. Umupo ako at kinusot-kusot ang mga mata ko. Pagkatapos kong kusutin ang mga mata ko ay— Ayun! Malinaw na malinaw na ang paningin ko! HD pa!

Nanlaki ang mga mata ko.

"Eh?! Ba't nasa ospital ako?!" 

"Ang ingay mo Sarah ko, mabibingi tayo ng wala sa panahon e," sabi ng isang lalakeng naka upo sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Bakit Sarah ko?  At familiar ang mukha niya! Curious ako kaya nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

Naningkit ang mata ko.

"Pain?"

"Akala ko nakalimutan mo din ako e. Ajbkbxcddkhcnjcc," sabi niya at may mga sinabi pa siya na hindi ko na maintindihan. Pero 'din'? Sino pa bang mga nakalimutan ko o ano?

"Anong ibig sabihin mo sa 'nakalimutan mo din'?" tanong ko na nakatingin directly into his eyes.

"You—"

Naputol ang sasabihin ni Pain dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Sarah!" sigaw ni Kuya Prince habang hingal na hingal at may bahid na pag-aalala ang mata niya.

"Oh? Prince, parang hinabol ka ng mga ex mo ah? Ano? Pinagtulungan ka na nila? Naku! Sabi ko sayo di ba. Girls are strong an—"

Hindi na ko nakatapos sa sasabihin ko dahil bigla na lang niya kong niyakap ng mahigpit.

I blushed and chuckled, hugging him back.

"Don't you laugh at me. You made me so worried. Akala ko napano kana," sunod sunod niyang sabi pero hindi ko makita ang expression niya. Magkayakap parin kasi kami.

"Ok lang naman ako Prince. At sorry dahil pinag alala kita," sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit para hindi siya kumawala at hindi niya makita ang namumula kong mukha. Ano ba naman kasi to. Nag-iba ang pakiramdam ko at parang lalabas na sa ribcage ko ang puso ko. 

"Ok lang yun basta ligtas ka na ngayon," unti unti siyang kumawala sa yakap ko and he kissed my forehead. 

What the heck?! Feeling ko mas namula ang mukha ko ngayon.

Akmang susuntukin ko siya ng—

"Ahahahaha. Ang cute mo talaga," sabi niya habang hawak-hawak ang kamao kong susuntukin sana siya. Nagulat kasi ako sa ginawa niya. Pero mabuti't nasalo niya ang kamao ko. Kung hindi e, baka paglamayan na siya ng mga babae niya noon hahaha.

"Bili muna ako ng makakain mo. Pain, bantayan mo yan ha at baka mawala na naman yan," dugtong niya at tumalikod na. Napansin kong namumula ang mga tenga niya. Nagba-blush ba siya? or imagination ko lang yun? 

"Tsk!" Lumingon ako kay Pain. Parang badmood tong si Pain a, iba na kasi ang aura niya. Bakit kaya? 

"Wui," sabi ko sabay poke sa pisngi niya pero hindi siya umimik. "Pain," patuloy parin ako sa pag-po-poke sa pisngi niya.

Binaling niya sakin ang tingin niya and his expression softened. "What is it, Sarah ko?" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ang mga mata niya ay malungkot. He is in pain. And I wonder what is his problem.

Empire Academy [UNDER EXTREME EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon