Kwon Soonyoung is very hyper
Ayaw ni Jihoon sa mga sobrang hyper na tao.
Ngunit si Soonyoung ay isang sobrang hyper na tao. 'Yung tipong tahimik na ang lahat, pero ayaw pa rin ni Soonyoung na tumahimik.
Therefore, Lee Jihoon hates Kwon Soonyoung.
"Kwon Soonyoung, could you please shut the fuck up? You're so annoying!" Napatigil na lamang si Soonyoung dahil sa sinambit ng nakababata.
Nasa kwarto nila ngayon silaㅡroommates kasi sila. At walang tigil sa kalikutan at pag-iingay si Soonyoung kaya binulyawan na siya ni Jihoon dahil sa inis. Busy kasi na nag-aaral si Jihoon dahil may quiz sila bukas at ayaw niyang bumagsak.
"Kumakanta lang naman ako, Jihoonie eh!" Nakapout na sambit ng nakatatanda at napakunot naman ang noo ni Jihoon.
"Kumakanta ka? Nagtatatalon ka d'yan sa kama mo, tapos tatakbo ka ng tatakbo dito sa buong kwarto. Habang kumakanta? Sa palagay mo ba'y pagkanta ang tawag do'n? Hindi! Pambubwiset ang tawag do'n, at hindi pagkanta. Naiintindihan mo ba, Soonyoung?"
Nagpout lang ulit si Soonyoung habang tumatango-tango.
"Good! Ngayon tumahimik ka na kasi ayoko ng maingay. Is that clear?" Tumango lang ulit si Soonyoung at umupo na sa kanyang kama.
Nagpatuloy na si Jihoon sa pagbabasa at pinanuod na lamang siya ng nakatatanda.
-{Ang cute ni Soonyoungie~}
( book cover made by khimkhim20 )
BINABASA MO ANG
TEN REASONS. ¦ SoonHoon
Short Story[ COMPLETED ] [Highest Rank: #359 in SHORT STORY (05/14/17)] ❝I hate you, Kwon Soonyoung.❞ Ten reasons why Lee Jihoon hates his bestfriend, Kwon Soonyoung. Well, maybe not. - [] FIL + ENG. ( Wonderful cover by @khimkhim20 ) © jjiminsoles