Seventh Reason

518 37 1
                                    

Kwon Soonyoung is very clingy

Ayaw ni Jihoon sa mga taong sobrang clingy. 'Yung tipong para nang koala na ayaw kumawala sa puno nito.

But Soonyoung is a very clingy person. Ngunit clingy lang naman siya pagdating kay Jihoon.

Kaya ayaw ni Lee Jihoon kay Kwon Soonyoung dahil napaka-clingy niya.

"Jihoonie~"

Sabado ngayon and it's general cleaning day. Naglilinis si Jihoon sa kwarto nila ni Soonyoung. At ito namang si Soonyoung ay ayaw tumulong kay Jihoon.

"Soonyoung! What the fudge!" Inalis ni Jihoon ang mga braso ni Soonyoung na nakabalot sa baywang niya. "Tumulong ka kaya nang may maganda kang magawa, 'di ba?"

"Ayaw." Sagot ni Soonyoung at hinawakan ang malalambot na kamay ni Jihoon.

"Ano ba, Soonyoung! Naglilinis ako, okay? Tumigil ka nga! Bumaba ka kung ayaw mong tumulong." Sambit ni Jihoon sa nakatatanda habang inaayos ang kama ni Soonyoung dahil tapos na niyang ayusin ang sarili niyang kama.

Niyakap ni Soonyoung si Jihoon pero tinulak lang siya ng mas bata, "Bakit ba ang clingy mo?"

"Sayo lang naman eh." Nakuha pang kumindat ni Soonyoung kahit na nasaktan na siya dahil tumama ang likod niya sa cabinet nila ni Jihoon.

Nirolyo lang ni Jihoon ang kanyang mga mata at nagpatuloy lang sa paglilinis.
-

TEN REASONS. ¦ SoonHoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon