Chapter 1.1

2K 17 0
                                    

Jao's POV

Nakunan ko ng litrato ang babae pero binura ko lamang. Na-attract kasi ako sakanya. Pero nung nahuli niya ako binura ko na lamang ito ng hindi niya nalalaman.
"Teka parang kilala ko to ah" sabi ng isip ko pero inunahan ako ng hiya.

Nagsinungaling ako... Dahilan upang mapahiya ang babae. Inaamin ko, nakonsensya ako pero hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko.

Humingi siya ng paumanhin at tinanggap ko naman ito, pero pinangaralan ko siya.

"Nangaral pa"-Ellaine
"Pwede ba kitang i-"treat"? Para naman makabawi ako"-Ellaine
"Oo naman. Basta sagot mo ah"-Ako
"Kaya nga treat diba? Slow lang?"-Ellaine
"Ang tindi mo naman"- Ako

Nagtawanan na lang kaming dalawa habang lumalakad.

Dinala niya ako sa Good Taste Restaurant at doon kami pormal na nagkakilala.

"Nga pala, ako si Ellaine Marie Anne S. Buenavista" pakilala niya habang inaabot ang kanyang kamay para sa isang handshake.
"Ako naman si Joshua Ace Ocampo, simple guy lang pero mabait" pakilala ko sabay abot sa kanyang kamay.

Nagpatuloy pa ang aming kwentuhan at habang lumalalim ang aming usapan napansin kong maganda pala siya. First impression ko siguro sakanya.

Nahuli niya tuloy akong nakatingin sa kanya.

"Hoy anong tinitingnan mo diyan?"-Ellaine
"Ah.. wa..wala wala"-Ako

Namula ako dahil sa hiya pero hindi ko alam kung napansin niya ito.

Ellaine's POV

Niyaya ko siya sa restaurant para makabawi ako dahil sa ginawa ko.
Pagdating sa restaurant, doon kami pormal na nagkakilala.
Nagkwentuhan kami hanggang napansin kong panay ang tingin niya sa akin kaya di ko napigilang magtanong.

"Jao alam mo, nung una kitang makita akala ko stalker ka. Kasi akala ko kinunan mo ko ng litrato"-Ako
"Bakit ko naman gagawin yun? Eh hindi ko naman ugaling basta nalang kumuha ng litrato eh"-Jao

Pauwi na kami, nang biglang may dumaang sasakyan, hinila ako ni Jao patungo sa direksiyong ng kinatatayuan niya at bumagsak kaming dalawa.

"Okay ka lang?"-Jao
"Okay lang ako"-Ako

Tatayo sana ako pero muli akong natumba.

"Ouch! Ang sakit ng paa ko. Natapilok ako."-Ako
"Gusto mo hilutin ko?"-Jao
"Huwag, okay lang ako"-Ako
"Tsk. Sige na, hihilutin lang eh. Sige ka hindi ka makakauwi niyan." panghihikayat ni Jao.

Nahihiya man ay pumayag na din ako dahil sa sobrang sakit ng paa ko.

Nagawa niya ngang alisin ang sakit at muli akong nakalakad. Nagpasalamat ako kay Jao bago kami tuluyang umuwi sa kanya kanya naming bahay. Malapit lang pala siya sa amin. Mga 3 houses lang ang pagitan.

Sa sumunod pang mga araw, lagi na kaming magkasama ni Jao sinasama niya ako kung may gimik sila ng mga kaibigan niya, lagi niya akong kinukumusta at higit sa lahat ramdam ko ang care niya para sa isang kaibigan.

"Mabait pala 'to" iniisip ko habang pinagmamasdan ko siyang nakikipag usap sa kaibigan niya.

Hindi ko man aminin, nagkakagusto na yata ako sakanya.

Itutuloy....


FIRST LOVE NEVER DIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon