SHANNE's POV
Wala kaming pasok ngayon kaya bahay mode ang peg ko. Nakahiga pa ako sa kama kasi puyat ako kakabasa ng mga paborito kong libro. Ganyan ang gawain ko kapag Friday at Saturday nights.
**Ding! Ding! Ding! Bessie!** akala ninyo doorbell no? Mali kayo jan. Haha. Yan ang ringtone ng cellphone ko para sa bestfriend ko. Mahilig kasi akong magset ng mga ringtone kapag espesyal ang tao sa akin :)
*1 message received*
From: Bes JC +63915*******
Bes! Punta ka sa bahay bukas. 8 am. Kitakits! :p
Anong meron? Hindi naman niya birthday bukas?
To: Bes JC +63915*******
Aga mong mambulabog bes! Haha, so anong meron bukas? Engagement party mo? Joke.
Tiningnan ko yung planner ko. Wala naman kaming lakad bukas. Bakit kaya nag-aya to?
From: Bes JC +63915*******
Bukas ko nalang sasabihin sa'yo bes. Hihintayin kita bukas ah 'pag di ka pumunta, magtatampo ako. Cge bes, ingat ka!
Yay! Nagdrama nanaman. Ano pa nga bang magagawa ko eh no choice na ako. Ayokong magalit ang bestfriend ko.
**Prrrrrrrtt! Prrrrrrrtt!** tunog ng doorbell namin. Kakaiba no? Iba kasi hilig naming mag-ate. Oo, tama kayo sa nabasa ninyo, may ate ako. Sa katunayan, hindi kami masyadong close kasi para kaming aso't pusa pero 'wag ka kasi parehas naming mahal ang isa't isa. Hindi kasi kami expressive masyado eh. Nga pala, siya at si Lola Juling lang ang kasama ko sa bahay. Nasa abroad kasi sina Mama at Papa. Parehas silang Health Practitioner sa isang pribadong hospital.
"Sandali lang po. Malapit na!" sigaw ko habang papalapit sa main door.
"Magandang umaga miss! Nandyan ba si Shiela?" tanong ni kuyang nasa pinto at may kasama pang isang cute na lalaki na kasing edad ko.
"Magandang umaga rin po sa inyo Kuya! Ano pong kailangan ninyo kay Ate Shiela?" tanong ko naman pabalik sa kanya. Hindi ko kasi siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita. Nakakasiguro ako na hindi siya taga subdivision namin kasi kilala ko lahat ng kapitbahay namin kahit hindi ako palalabas ng bahay.
"Ah, May kukunin sana akong libro sa kanya. By the way, ako nga pala si Chris, kaklase nya. " sagot naman ni kuya at pagkatapos ay yumuko na parang bang nahihiya.
"Kapatid ko nga pala, si Kyle" pagpapakilala sa cute na kasama niya para maitago ng kaunti ang pagkahiya.
"Sige po, pasok muna kayo. Tatawagin ko lang si Ate. Ano po palang gusto ninyong inumin? Water? Juice? Coffee?" tanong ko naman sa kanya.
"Ah wag na. Salamat! Hindi naman ako magtatagal. " sabi ni kuya sabay ngiti.
"Sige kuya, saglit lang", pagpapaalam ko para tawagin si Ate. Tumakbo ako sa second floor para sabihan si Ate na may naghahanap sa kanya.
**Knock! Knock**
"Oh? Bakit ka humahangos diyan? Parang ang layo ng pinuntahan mo?" tanong ni Ate na nagtataka.
"W-wait lang A-ate. Hi-hinga lang a-ako. *hinga**hinga**hinga* May naghahanap sa'yo sa baba. Chris ang pangalan" sabi ko sa kanyang na medyo hinahabol pa ang aking hininga.
"Talaga? Si Chris nandyan sa baba? OMG! Nakakaloka. Sige, bababa na ako. My gosh!" kinikilig na sabi ni Ate sabay sara sa pinto niya.
"Huh? Bakit kaya nagkaganun si Ate? Hay naku! Iba na talaga ang henerasyon ngayon." sabi ko sa sarili ko. Bumaba na ako ng hagdan para sabihan si Kuya Chris na bababa na rin si Ate.
"Kuya, pababa na si Ate, pahintay na lang" sabi ko at tumango naman siya.
Lumabas ako sa pinto papuntang garden at umupo sa bench. Napatingin ako sa cellphone ko at bigla na lang akong napaisip tungkol sa text ni bes kanina sa akin. Bakit kaya ayaw niyang sabihin sa akin kung anong meron bukas? Siguro umuwi na sina tita at tito galing sa New York? Dumating na yung crush niya na si Gian? May bago siyang bag na imported? May bago siyang manliligaw? Ay naku! Mababaliw na ako kakaisip kung anong meron at mangyayari bukas. Siguradong hindi ako makakatulog nito. Oh noes!
Anong meron bukas? Bakit parang kabado ako???
-------
**It's-six-o'clock! Time-to-wake-up! It's-six-o'clock! Time-to-wake-up!** tunog ng alarm clock ko. Oo, yan ang gumigising sa akin tuwing umaga. Kakaiba yung tunog niya di ba? Padala yan sa akin nina Mama at Papa nung nakaraan kong birthday kasi lagi akong "on time" sa schedule ko. Hahaha. Alam ninyo na.
"Hay! Ang ingay! Tahimik! Natutulog pa ako!" iritang sigaw ko sabay patay sa alarm clock.
Biglang pumasok si Ate sa kwarto ko.
"Hoy Shanne, gising na! Nag-alarm na yung orasan mo. Malalate ka na sa lakad mo." Panggigising ni Ate sa akin. Wow! Concerned din pala si Ate sa akin. Kaya mahal na mahal ko yan eh kahit lagi kaming nagsisigawan at nagbabangayan. Haha. Ganyan kami maglambingan.
"5 minutes pa Ate. Babangon na ako maya-maya. Mag-iinat muna ako" sabi kong pupungay pungay pa ang mga mata.
"Ikaw ang bahala Shanne. Basta ginising kita para hindi ka malate sa lakad mo. Anong gusto mong breakfast? Hotdog? Bacon? O Tinapay with Nutella?" sabi sa akin ni Ate na sumuko na nang kakapilit sa aking bumangon.
"Kahit ano na lang lutuin mo Ate. Basta sarapan mo lang. Labyu. Thank you!" lambing ko at nagtalukbong sa kumot.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Eh binilin ka nina Mama at Papa sa akin. Kung hindi lang kita mahal eh, pinabayaan na kitang malate. Bumababa ka na after mong mag-inat ah." paalam ni Ate. Lumabas na siya ng kwarto ko.
------------
**It's-eight-o'clock! Time-to-wake-up! It's-eight-o'clock! Time-to-wake-up!** tunog ulit ng alarm clock ko.
Bigla akong napabangon sa kama at dali-daling nagpunta sa bathroom at naligo. Nagbihis ako at nagsuklay ng buhok. Nagpulbos ng kaunti at lumabas na ng kwarto. Bumaba na ako sa kusina at nagulat ako sa nakita ko.
"Ba-bakit siya nandito? Ka-kailangan pa siya dumating?" nauutal kong sabi sa sarili ko.
A/N: Sino kaya ang dumating? Bakit nagulat ang ating bida sa nakita niya? Abangan!
**Feel free to vote if you like the story and leave a comment if you have suggestions or reactions guys! Thank you in advance sa mga taong susuporta sa story na ito. Enjoy and Keep safe! 10 votes before the UD of next Chapter!