A/N: Hello readers! :)Thanks for the support sa story! Eto na yung UD! :) Enjoy reading guys! :)
CHAPTER 3: Wag muna ngayon
ATE SHIELA’S POV
“Saglit lang Stephen ah, gigisingin ko lang si Shanne sa taas. May lakad yun eh.” pagpapaalam ko
**Knock! Knock**
“Shane” **knock! knock!** “Shane! Gising na, late ka na sa lakad mo. 9:30 na.” sabi ko na medyo tumaas ang boses.
Walang sumasagot sa mga tawag ko kaya dali dali akong bumaba at kinuha ang susi ng kwarto niya. Nag-aalala na kasi ako.
“Ate Shiela, bakit ka nagmamadali? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Stephen
“Hindi sumasagot si Shanne sa tawag ko eh” sagot ko habang natakbo paakyat ng hagdan
Sumunod na rin si Stephen sa akin sa taas at parehas na hindi maipinta ang mga mukha namin.
Ipinasok ko na ang susi at nagbukas ang pinto. Tumambad sa amin ang magulong gamit ni Shanne. Bigla akong napasigaw sa takot. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may nangyaring masama sa kapatid ko.
Tinawagan ko agad si Jakie para itanong kung kasama ba niya ang kapatid ko pero hindi raw. Tinawagan ko na rin lahat ng kaklase niya pero wala raw si Shanne sa kanila. Nagpapalpitate na ako sa kaba at takot. Nasaan na kaya ang kapatid ko? Biglang nag ring ang telepono at bumababa agad ako.
“Hello?” kinakabahang sagot ko
“Si Ms. Shiela Delavega po ba ito? Yung older sister ni Ms Shanne Delavega? ” sabi ng nasa kabilang linya
“Opo, ako nga po. Sino po ito? Nasaan ang kapatid ko?” tanong ko naman
“Nurse po ako sa YNI Hospital. Sinugod po ang kapa..” bigla kong putol sa sabi ng nasa kabilang linya.
“Ano pong nangyari? Anong room niya?” biglang tanong ko
“Nawalan siya ng malay pero stable na po ang condition niya. Nasa Room 0416 siya” tugon ng nurse
“Salamat po Mam.” sabi ko sabay baba ng telepono.
“Sinong tumawag Ate?” tanong ni Stephen
“Nurse sa YNI Hospital” sagot ko
“Nurse? Bakit? Sinong nasa hospital?” di mapakali na tanong niya
“Sinugod daw si Shanne sa hospital pero stable na siya” tugon ko
“Si Shanne nasa hospital? Bakit daw Ate?” kinakabahang tanong niya. Ang daming tanong ng batang ‘to.
“Kalma lang Stephen. Okay na siya at stable na. Room 0416.” sabi ko
“Sige Ate Shiela uwi muna ako at magbibihis bago pumunta sa hospital” pagpapaalam niya
“Stephen wait!” tawag ko sa kanya na papasakay na sa kotse
“Bakit ate?” tanong niya
“Hindi naman sa pinagbabawalan kita, ano kasi eh, ahh, mas mabuti sana kung ‘di ka muna pumunta sa hospital. ‘di kasi makakabuti ngayon kay Shanne na makita ka kasi baka ma..” putol na sabi ko
“Okay lang Ate, naiintindihan ko. Kakamustahin ko na lang siya sa’yo. Pakisabi na lang na sorry at magpagaling siya. Sige Ate, una na ako” malungkot na sabi niya.
Pumasok na ako sa loob at umakyat sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama at napaisip kung tama ba ang ginawa ko.
Tama ba ang ginawa ko na hindi muna padalawin sa hospital si Stephen? Inaalala ko lang naman ang mararamdaman ng kapatid ko. Ayokong mapatagal ang paggaling niya nang dahil sa sama ng loob sa nakaraan. Alam ko namang maiintindihan nilang dalawa ang naging desisyon ko. It’s for their sake.