*Elvira*
"Arrghhhh" gulong-gulo ngayon and isip ko kung itutuloy ko ba and gagawin ko. Kanina pa ako nag-iisip.
Makalipas ang ilang minuto lang ay nakapagdesisyon na rin ako itutuloy ko na ito. Binuksan ko na ang Laptop at agad na cli-nick ang site kung saan ako magcoconfess. Nag-isip muna ako , inisip ko muna ang mga kaganapan magmula ng makilala ko siya ang lalakeng babasag sa aking kainosentehan. Ilang saglit lang at sinimulan ko na ang magtype.
"*****"
"Hi! Ako nga pala si Jasmine ( di tunay na pangalan ) kasalukuyang nag-aaral sa isang university , hindi ko na babanggitin kung saan. Nasa 3rd year na ako ngayon sa kursong Accountancy , by the way I am 18 years old na pala. So eto na nga sisimulan ko na na ang istorya.
~~~~~~~~~~
Unang araw ngayon ng school kasabay ng maalinsangang panahon. Nandito na lahat kami sa room. Maingay dahil sa kamustaan ng mga kakaklase ko may kanya-kanya silang kwento kung saan nila ginugol ang kanilang baaksyon. Ngunit sa kabila nito'y may isang gwapong binata ang nakaupo sa may di-kalayuan. Tahimik at bakas sa kanyang mukha ang pagka-irita Hindi pamilayar sa akin ang kamyang mukha kaya tiyak akong transferee ito.
Napatigil ang lahat ng biglang bumukas ang pinto. Tumahimik ang lahat ng biglang may nagsalita.
"Good Morning Class" bati sa amin ni Proffesor.
Agad naman kaming sumagot sa bati niya.
"Class may bago tayong kasama si Kenjie , sige ken magpakilala sa kanila"
Agad namang tumayo ang binata. "Hillo po" saad ng binata na pabulol-bulol pa dahil naka brace pala siya , Kaya nagtawan ang mga kasama ko.
"Tahimik , Sige maari mo nang ituloy" suway at saad ni professor.
"Hillo po aku nga pala si Kenjie , Kenjie Zaqueram. I'm turning 19 years old po this septembel" saad ng binata kahit hindi intindi ng iba ang kanyang mga sinabi ang iba naman at pinipigilan ang pagtawa.
Makalipas ipaliwanag ni professor ang mga ilan pang personal na detalye tungkol kay kenjie at ipa-alam ang mga dapat at hindi dapat gawin sa campus kay kenjie pati sa amin at agad na siya ng nagdeklara ng dismissal.
Agad kaming dumiretso sa canteen kasama ang kaibigan kung si Myca at Cheska.
Pagkatapos naming makabili ng meryenda at agad na pumuwesto sa unoccupied na table at seat.
"Bes" sambit sa akin ni Cheska habang nakatingin kay kenjie na kumakain mag-isa.
"Oh bakit "sambit ko kay Cheska
"Sa tingin mo bes gwapo ba si kenjie" tanong sa akin ni Cheska
"Kung ako ang tatanungin, Oo naman pagmasdan mo yong kutis niya ang kinis , moreno , maamong mukha at mapupungay na mata" wika ka ko kay Cheska.
"Oyy Bess , wag mong sabihin gusto mo siya" sabat sa amin ni Myca.
"Tumahimik ka nga miks , wala pa sa isip ko yung boyfriend-boyfriend na yan at tsaka isa pa crush lang tingin ko sa kanya kumbaga paghanga" sambit ko sa kanila
" sabi mo eh" sambit naman ni Myca.
Natapos ang unang araw ng school at finally nakauwi narin ako ng bahay , tulad ng dati kung ginagawa agad kung kinuha ang phone ko at nagfacebook. Scroll lang ako ng scroll hanggang sa naalala ko may fb account kaya si Kenjie. Dali-dali Kong sinearch ang pangalan niya at agad rin lumabas ang pagkarami-raming kapangalan niya. Isa-isa kung chineck ang mga results nagbabaka-sakaling mahanap ko siya. Yunnn ilang saglit pa ay nahanap ko rin , agad along nagsend ng Friend Request sa kanya.
