Chapter Seven: Tragedy

45 4 2
                                    

Dumating na ang mga inutusan nila na bumili ng alak , ng biglang lumapit sa akin itong si Zack. Bigla niyang iniaangat ang sout kung T-shirt at hinimas ang aking tiyan wala na akong nagawa dito.

"Zack excited ka eh mamaya yan" sambit nitong si Kyle "Gago"

"Babalik ako" sambit niya sabay dinilaan ang aking pisngi.

Ilang saglit pa ay nataranta sila ng may marinig na paparating heto nakaya ang magliligtas sa akin.

"Si Supremo paparating siya"

Isang lalakeng nakahood , nakashades ang dumating na tinawag nilang Supremo. Talagang pinapangalagaan nila kung sino si Supremo. Kasama ang apat pa nalalake at dalawang babae , mukha silang mga addict.

"Ano 'to nagdala kayo ng babae rito" sabay duro sa akin.

"Pasensiya na Supremo may nalalaman siya tungkol sa atin e. At tsaka pakikinabangan rin namin ito"

"Sige pagtapos niyo gamitin yan itapon niyo yung malinis ah"

"Sige po"

Ano raw gagamitin , ganito ba kasama ang mga taong to , makakatakas ba ako dito? Kailangan kong makahanap ng paraan para matakasan ang mga taong to.

Umalis ang mga taong to at iniwan ang isang case na sa tingin ko ay may lamang pera at droga. Magsimula ng lumapit ang dalawang lalake si Zack at Kyle.

Nakakatakot ang mga ngiti nila ang mga hagakhak nilang malademonyo. Sinumulan na nilang hubarin ang mga belt nila gagawin ba nila ang kinakakatakutan ko. Sinimulan narin nila tanggalin ang mga suot ko sinumulan na nilang gawin ang kinakatakot ko pinilit kong pigilan ito ngunit wala akong nagawa , ni wala silang pake-alam sa mga luha at paghihirap ko habang ginagawa nila ang kademonyohang ito nakasali na rin ang mga kasama nila maliban kay AC.

"Ano ba AC , wala kanaman pala"

"pre diba masyado na yatang masama itong ginagawa natin"

"Wala namang mkaka-alam eh" pagkatapos non ay tinuloy nila an kanilang ginagawa pati narin si AC. Ni wala akong nagawa dito , gusto kong humingi ng tulong ngunit wala akong magawa pinagpyestahan nilang tatlo ang katawan ko ng mga demonyong ito.

Nakatulog na silang lahat maliban kay AC na nasa sulok habang hinihithit ang isang stick ng sigarilyo. Wala na akong ginawa kundi maiyak na lang , ni hindi ko lubos matanggap na nangyare sa akin ito.. Pero ano nga ba ang magagawa ko nangyare na eh.. Hindi ko maiwasang sisihin ang panginoon dito , Bakit niya ako pinabayaan , bakit ba nangyare sa akin ito? Napansin kung ubos na ang hinihithit na sigarilyo nito kaya naman agad niya itong inilapag sa semento at tinapakan , pagkatapos at dumiretso na sa akin. Hindi pa ba nagsasawa ang lalakeng ito gagawin ba niya ulit ang kapalastanganang ginawa nila?

Pilit akong sumigaw ngunit dahil dito sa nakapulupot na panyo sa bibig ko ay naging mahina at isa lamang itong napaka hinang ungol. Lumapit siya sa akin , umupo sa tabi ko at tinanggal ang panyo sa aking bibig.. "Hayyooo---" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko na dahilan ng pagkaka-alintana ng tulog ng mga kasama niya. Ngunit agad niya namang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang mga kamay.

"Psssshhh , wag kang maingay... Tutulungan kita" halos mapatalon ang puso ko sa sinabi niya.. Ngunit bakit nga ba niya ginagawa ito?

Dali-dali niyang tinanggal ang mga nakagapos sa akin at sinaplotan ang hubad-hubad kung katawan at inilalayan ang aking pagtayo. Maingat kaming lumabas sa kwarto. Pababa kami sa hagdan ng tinanong ko siya..

"Bakit mo ba ako tinutulungan?"

Hindi siya kumibo sa halip ay pinatahimik niya ako dahil napansin niyang may paparating. "Nandiyan si Supremo magtago ka don , kung sakaling makatakas ka man wag mo nang subukang magsumbong sa mga pulis ma impluwensya si Supremo hawak niya ang boung siyudad." ito ang paliwanag niya sa akin na agad ko namang sinunod.

Buong tapang na sinalubong ni AC , Ang Supremo pati mga kasama nito. " Saan ka papunta AC ?"

"lalabas lang ako Supremo" pagtatanggi ni AC.

"Tila pinagpapawisan ka yata" saad ulit ng Supremo. Sa di inaasahang pangyayare , nagising na ang mga kasama ni AC at agad na ipina-alam na nakatakas ako.

"Tangina isang malaking problema ito hanapin niyo siya bilis , hindi makakatakas iyon kung walang tumulong sa kaniya" sambit ni Supremo.

Akmang lalapit na sa pinagtataguan ko si Zack ng bigla itong pinigilan AC. "Takbo na bilis" ito ang sinambit niya bago paman siya paputukan ng isa sa mga tauhan ni Supremo ng baril. Agad akong kumaripas ng takbo palabas ng gusaling ito.. Hinabol ako ng mga lalakeng ito.. Hanggang sa nakarating ako sa isang tulay.

"Bangggg" isa na namang putok ng baril ang umalingaw-ngaw at sa pagkakataon na ito ay ako ang tinamaan sa bandang paa dahilan upang mapatigil ako sa pagtakbo.

Wala na akong nagawa ng naabutan na nila ako. " paano yan wala ka nang takas"

"Hayyop kayo mga demonyo"

"Masyado kang maingay babae ka magpaalam kana" isang putok na naman ng baril ang pinakawalan nila patungo sa aking bewang. Dahilan ng pagkakahulog ko sa tulay.

~~

Elvira/Jasmine

"Publish" wala na akong inaksayang oras ipinublish ko na and huling bahagi ng confession , sa loob ng isang linggo ay natapos ko ito.. Hindi ko napigilang umiyak ng na-alala ko ito , Ni hindi ako nakapaghigante sa mga taong gumawa sa akin nito.

Nakaligtas ako sa pagkakahulog sa tulay buti nalang at isang mayamang pamilya ang nakahanap sa akin , kinupkop at binihisan , ngunit nangungulila parin ako sa pagmamahal ng aking pamilya. Sa araw na bibisitshin ko sana ang aking pamilya ay wala na akong nadatnang mga magulang , Namatay sila sa sunog ngunit di ako naniniwala na isa lamang aksidente ang nangyare , sa halip ay malakas ang kutob ko na may kinalaman ang mga taong gumawa nito sa akin tungkol dito. Isa lang ang natitiyak kung gawin ito ay ang makamit ang katarungan. At sa pagkakataong ito , kakamitin ko ito sa pamamagitan ng aking kamay.

Few Months  Later

Nakatayo ako sa hara ng salamin habang nakahubad , pinagmamasdan ang aking sarili at ganap na naghilom na ang mga sugat na dulot ng kahapon pero kitang-kita parin ang bakas nito . Ayaw ko itong burahin , Ito ang tanda kung gaano ako naghirap kung gaano ako naging malakas. Today was my first anniversary of being part of this family , ito yung araw na natagpuan nila ako , they change everything , even my identity. But my hunger for revenge is still dwelling my heart. Tinatanaw kung isang malaking utang na loob ang ginawa nila sa akin.

"Miss Sabrina! tinatawag ka na po sa baba!'

" I'm coming Yaya"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elvie's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon