Republished.
(See the notes at the end for more)
- - -
Reen's POVWow. Napatitig lang ako sa litrato ng kambal habang nakikinig kunwari sa kausap ko. Wow. Ganito pala ang feeling kapag unti-unti nang tumataas ang edad ng anak mo, tho hindi pa naman kataasan ang age ng kambal still naamaze and at the same time natatakot pa rin ako. I'm amazed dahil akalain mo 'yon nakasurvive ako ng apat na taon sa pag-aalaga ng kambal; at natatakot dahil bago pa lang ako at wala pang experience sa phase na 'to -sa parenthood- at hindi ko alam kung kakayanin ko ba lalo na't wala--
"Nakapili ka na ba, Ms. Kim? Ms. Kim?" napatingin ako agad sa harapan ko at natigil sa pagmo-monologue. Napakunot ako ng noo at tinignan ng may pagtataka ang taong nasa harap ko hanggang sa maalala kong may ine-explain nga pala siya kanina. God! Nadala na naman ako ng pag-iisip ko.
"I'm sorry but can you repeat again? May hindi lang ako naintidihan na part." Pagdadahilan ko. Ngumiti lang sa akin iyong babae -what's her name again? Ah tama Wendy- ngumiti si Wendy sa'kin at inexplain ulit ang mga themes na kaya nilang gawin.
Nakatingin ako sa sample pictures nila at nagde-decide kung ano ba ang magandang concept sa 5th birthday party ng kambal. Yes! Sa susunod na sabado ay birthday na nila kaya nagpatulong si kuya sa isang party organizer na kasalukuyan kong kausap. Since first time na magbi-birthday ang kambal sa Korea kailangan daw na malaki ang party nila. Ayaw ko ngang pumayag dahil paniguradong mababalita na naman, pero wala akong nagawa dahil si kuya Chen na mismo ang nagdecide. Huwag nang makipag argue sa isang Kim Jongdae.
"Nakapili ka na ba, Ma'am?" tanong ulit ni Wendy na halatang pilit lang ang ngiti. I'm sure napapagod at naiinis na 'to dahil kanina pa siya nandito sa bahay at kahit isang idea ay wala pa akong napipili.
"Hmm, wait lang. I'm still deciding," sabi ko na lang. Itetext ko na lang si kuya Chen kung anong magandang concept. Baka kasi ang mapili ko ay hindi gusto ng kambal.
"Hi babe!" napaangat ako ng ulo at nginitian si Jiyong na agad agarang umupo sa tabi ko sabay halik sa pisngi ko. Siniko ko naman siya ng mahina sa tagiliran dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa hilig niyang mag-PDA.
Inakbayan niya ako at nakitingin na rin sa mga pictures. "Is that for Seiji and Serra's birthday party?" tanong ni Jiyong na sinagot ko naman ng isang hum. Inalis niya ang pagkaka-akbay sa'kin at inagaw ang catalogue sa kamay ko sabay scan ng mga concepts.
"Jiyong, wala akong mapiling concept. What do you think?" tanong ko. Since magaling naman 'tong boyfriend ko when it comes to concepts siya na lang ang tatanungin ko.
Iniscan pa ni Jiyong ang catalogue hanggang sa last page at ibinalik ito kay Wendy. Napangiti naman si Wendy at niready na ang notepad niya for listing of ideas. Halatang gusto ng umuwi.
"Well, I think we'll choose the Adventure time theme since paborito ng kambal ang cartoon show na iyon. At ang plano ko ay magco-costume ang mga batang invited sa party, of course cast ng adventure time ang i-cocosplay nila. While yung kambal, ico-cosplay nila si Finn at Princess bubblegum." tumigil sandali si Jiyong para hintayin si Wendy na matapos sa kanyang pagsusulat. "And also we want the cake to be Adventure time themed din. Pati ang mga prizes for games and etc. Are we clear with that?"
Nagscri-scribble pa si Wendy sa kanyang notepad at pagkatapos ay ngumiti ng malapad sa'min ni Jiyong. "Got it Sir and Ma'am! Makaka-asa po kayo na magiging masaya at unforgettable ang birthday party ng kambal niyo. I'll just text or e-mail you the details and the amount." masiglang sagot ni Wendy habang inaayos na rin ang mga gamit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/95373189-288-k404972.jpg)
BINABASA MO ANG
Be Mine Again
FanfictionEXO FANFIC #3 {OSH} [OH SEHUN'S WIFE SEQUEL] "I didn't mean to fall in love with her again." - Oh Sehun © -seoulmux 2017