Republished.
* * * *
Reen's POVOkay. Reen, relax lang. Breathe. Inhale. Exhale. Inhale. Ex--
"So you're telling us that you and Sehun are going to live under the same roof?" tanong ni Jiyong after a couple of minutes na tahimik at awkward ang atmosphere.
Napatingin ako kay Sehun hinhintay ang sasabihin niya. But he remained silent. Ugh! What? Hindi niya ba ako tutulungan?
"I'm fine with it. Hindi naman kasi pwedeng sabihin natin sa lolo't lola ni Reen ang totoo. Baka may mangyari pang masama, and besides I trust my boyfriend." Biglang sabi ni Joohyun kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. Nagkibit balikat lang siya na para bang normal lang ang nangyayari ngayon.
"Kung ayos lang kay Joohyun, ayos na rin sa'kin. Magpapanggap lang naman tayo na mag-asawa pa diba?" cool na sabi ni Sehun pagkatapos huminto saglit at tinignan ako. "At isa pa, hindi naman siguro magtatagal sina Mamita dito. At sana Reen bago sila umalis masabi na natin ang totoo."
Napatango naman ako sa sinabi ni Sehun. Tama siya magpapanggap lang naman kami ng ilang weeks at may punto rin siya na dapat na naming sabihin kay Mamita at Popsy ang totoo. Hindi naman kasi pwedeng habang buhay na lang kami magpanggap na we're still together.
"Then its settled?" tanong ni Joohyun na kasalukuyang nakatayo at nagsisignal kay Sehun na pupunta lang siya ng CR.
Sasagot pa lang sana ako sa kanyang tanong nang bigla na lang tumayo si Jiyong sabay sigaw ng "No!" Napatingin kaming tatlo kay Jiyong na mukhang galit. Si Joohyun naman napaupo ulit sa kanyang upuan.
"I object! Hindi okay sa'kin ang ganoong set up. Paano na lang kung may mangyari? I mean hindi yan maiiwasan knowing na may past silang dalawa, I can't trust your boyfriend Joohyun. I suggest, sabihin niyo na lang ang totoo at wala na kayong po-problemahin pa." pagkatapos magsalita ni Jiyong iniwan niya kaming tatlo na nakanganga at shocked sa mga sinabi niya.
And it took five seconds for me to realize that I need to chase Jiyong and talk to him. Kaya nagpaalam na ako kayna Sehun at Joohyun saka sinundan si Jiyong sa parking lot. Tss! Sinasabi ko na nga bang hindi papayag ang lalaking 'yon.
Timing namang naabutan ko na papasok si Jiyong sa kanyang kotse kaya sumakay na rin ako sa shotgun seat at hinintay siyang makaupo ng maayos. Nang maayos na ang lahat nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Jiyong at saka ako nilipat ang atensyon sa'kin.
Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang nakatingin sa akin kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko at dahan dahang minasahe ang kanyang noo. After a minute unti-unti nang nawawala ang pagsalubong ng kanyang mga kilay and his look softens so I smiled at him.
"Ji, do you trust me?" malumanay kong tanong habang nakatingin sa mga mata ni Jiyong. Sinagot niya ako ng isang hum sabay hawak sa dalawa kong kamay na nakapatong na ngayon sa magkabilang balikat niya.
"Babe, if you trust me... then please agree with our plan?" paki-usap ko kay Jiyong. And with that request the crease on his forehead came back. Arggh! Why can't he just agree with our plan?!
"Babe you know I trust you right? Pero si Sehun, wala akong tiwala sa kanya Reen. I don't want to lose you again. So please understand my decision."
BINABASA MO ANG
Be Mine Again
FanfictionEXO FANFIC #3 {OSH} [OH SEHUN'S WIFE SEQUEL] "I didn't mean to fall in love with her again." - Oh Sehun © -seoulmux 2017