Naniniwala ka ba sa Re-incarnation?
.
.
Ako kasi, OO. Dahil eto ang nanyari sa anak ng mag-asawang Alex at Crisel.
-
Author's paepal note: Vote comment guythhhh. <3
Merong mag asawang nag ngangalang Alex at Crisel Mercado, 7 years na silang kasal at nagsasama ngunit hindi sila mag karon ng anak..
Matagal na nila pinagdarasal na magkaron ng anak, lahat ng dapat gawin ginawa na nila. Ngunit wala padin..
Isang araw, may matandang lumapit sakanila at sinabing,
"Alam ko ang problema niyo, kaya ko kayong tulungan. Iha, inumin mo ito. Ito ang makakalutas ng problema mo, ibibigay nito ang hinihiling niyo"
A/N
Bukas ko nalang ulit updateeee. Mwaaaa :* Voteee comment be faaaan
Habang tinitignan ng mag asawa ang bigay ng matandang anonymous, pag tinggin ni Alex sa gilid niya ay nawala ang matanda..
"Hala, asan na yun? Ang bilis naman. Di niya manlang tayo siningil sa bigay niyang to?" - Alex
"Hayaan muna, siguro nagmamadali." - Crisel
"Ano? Iinomin mo ba yan? Baka naman di safe yan?" - Alex
"Gusto ko na magka-anak, Alex. Walang mawawala kung susubukan natin." - Crisel na sobrang umaasa na mabibigyan siya ng kanyang hinihiling.
Tulad ng sabi ng matanda, ininom ito ni Crisel.
AFTER 3 weeks, nalaman ni Crisel na buntis siya. Sobrang saya niya, at sobrang nagpapasalamat siya na nabiyayaan na sila ng supling.
After 9 months, iniluwal na ni Crisel ang kanyang anak. Laking gulat ng nagpaanak dito na kung bakit ganun ang itsura ng bata. Nagulat sila ng makita ang bata,
Sobrang kalait-lait ang itsura ng batang iyon.
"Hala?! Bakit ganito ang itsura ng anak ninyo?!" - sabi ng kumadrona na nagpaanak kay Crisel
"Bakit? Ano pong meron sa anak ko?" - Si Crisel na sobrang nagaalala, at the same time ay nahihilo at pagod.
"Hindi natural ang itsura niya!" - Kumadrona
Wala ng nagawa ang mag asawa kundi tanggapin ang batang iyon. Inisip ni Alex na may side effects ang ininom ng asawa.
Dahil sa itsura ng bata, pinataasan ni Crisel ang bakod nila. Upang habang naglalaro ito sa garden ay hindi makita. Aminado si Crisel kay Alex, na hindi niya tanggap ang bata. Napipilitan lang siya, wala din siyang nagawa.
Hindi pinapalabas ni Crisel ang anak. Dahil kinahihiya niya ito.
Limang taong gulang na ang bata, ngunit hindi padin nila ito pinagaaral. Dahil ayaw ni Crisel.
Habang naghahapunan ang pamilya, tahimik lang si Crisel. Bigla naman ng salita ang kanilang anak na si Ann.
"Mommy, daddy, bakit po ayaw niyo ko palabasin?"
"Kumain ka nalang jan." - Crisel
"Crisel! Anak, iniingatan ka lang namin."
"Mommy, Daddy! Punta po tayo dito. (Sabay turo sa magazine)" - Ann
"Anak, Baguio yan. Malayo yan dito." - Alex
"Daddy, di po ako nakakalabas ng bahay. Gusto ko pumunta sa maganda lugar, maawa kana daddy,"
Naawa naman si Alex sa anak at pinagbigyan ito. Nagplano silang umalis at pumunta ng Baguio..
Habang nasa byahe sila,..
"Daddy, daddy! Nawiwi po ako." - Ann
"Mommy, wiwi daw si Baby." - Alex
habang pinapa-ihi ni Crisel si Ann. Sinadya niyang itulak ang anak sa bangin..
Tinulak niya ito ng walang alin langan..
AFTER 3 YEARS..
Nagkaron ulit ng anak sina Crisel at Alex, eto namang anak nila ay hindi katulad nung una. Sobrang maganda at normal ito. Laking pasasalamat ni Crisel na nagkaron pa sila ng anak.
Habang naghahapunan ang pamilya, nagsalita ang anak nilang si Angel.
"Mommy, daddy! Gusto kong pumunta dito. (Sabay turo sa magazine)"
Laking gulat ng dalawa na nag aya ito na pumunta ng BAGUIO.
"Uh, anak. Baguio yan, bakit gusto mo pumunta jan? Medyo kalayuan yan dito."
"Daddy, di niyo na kasi ako pinapasyal. Please daddy, pleaseeeeee."
Napagpasyahan ng mag asawa na pumayag sa gusto ng anak.
Habang nagbabyahe sila papuntang Baguio..
"Mommy, mommy, wiwi po ako." - Angel
"Oh, daddy wiwi daw si Baby." - Crisel
Habang pinapa-ihi ni Alex ang anak, tumango ito sakanya at sinabing..
"DADDY, DADDY, PAKISABI KAY MOMMY WAG NIYA NAKO ITUTULAK ULIT HA."
END~
______________________
Thankyou sa mga bumasa, at babasa palang. Hope you like it. <3
Sensya sa mga tropa kong ginamit ko para maging character ditey. HAHAHAH lablab