Chapter 1

360 40 122
                                    

Fangirl (ONE SHOT)
Written by cypherstreim

Hindi matanggal ang malalawak na ngiti sa mga labi ko habang tinitingnan ang mga picture ni John.

Ang gwapo nya talaga. He always make me smile, tuwing nakikita ko yung mga funny videos nya. Natutuwa ako at nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Si John ay isang facebook sensation, sikat sya sa social media. Madami rin syang fans na kung tawagin ay Johnster. Isa na ako dun. Gwapo sya, mayaman, magaling sumayaw, makulit. Marunong din sya kumanta pero bihira lang sya nagpopost ng mga singing videos. Marami ring nababaliw na babae sa kanya. Tuwing nagfefacebook ako, lagi na lang ako may nakikita sa newsfeed ko na

"Hi Baby John, uwi ka na sa bahay. Miss na kita"

See? Maraming nababaliw sa kanya kahit minsan lalaki at mga schoolmates kong lalaki, nagcocomment sa mga post nya.

"Ang pangit mo John, mas pogi pa ako sayo"

Inggit lang sila kay John dahil marami na syang nakamit sa buhay.

I never considered myself as a die hard fan. Hindi ako tulad ng iba na iiyak kapag hindi ako nakakapunta sa mga meet up o mall show nya. Dating July 30 nagkaroon sya ng meet up, gusto ko sana pumunta pero ang layo saka wala din akong pera. Hindi rin naman ako masamahan ng mga kaibigan ko dahil busy daw sila. Yung nalaman ko na may girlfriend pala si John I don't know kung totoo ba yun kasi nakita ko 'babe' ang callsign nila. Sumama ang loob pero inalis ko na din. Wala din naman ako mapapala kung magagalit ako dun sa girl. Isa lang naman akong dakilang fan na lagi syang sinusuportahan. Tuwing may mga post, lagi ko nila-like, nagtatadtad rin ako ng sandamakmak na comments para mapansin nya ako. Nag send din ako sakanya ng friend request pero hindi nya inaccept siguro full na yung friends nya. Sumali pa nga ako sa group chat kung na saan nandun si John pero never syang nagchat dun. Lahat ginawa ko para mapansin nya pero wala. Tuwing nagfe-facebook live sya, kadalasan hindi ko naabutan.

Ako lang naman si Coleen Tan na isang hamak na fangirl lang. Punong puno yung cellphone ko na mga pictures nya, punong puno din ng posters nya yung nasa kwarto. Wallpaper ng laptop ko ay pictures nya.

Si John Abelardo Custodio ay isa sa mga sikat sa facebook o social media. Sumikat sya dahil dun sa video nya. Ka-duet nya kasi dun si Charlie Puth. Smule app ang gamit nya dun. Nakita ko yun sa facebook at una pa lang natawa na agad ako. Sumigaw kasi sya nung una kaya bigla akong nabingi. Eh kasi naman naka earphones ako. Yung napanood ko yun, simulan ko na syang i-stalk. Narealize ko na super gwapo nya. Yung nakita ko yung pictures nya parang may sparks. Love at first sight nga sabi nila.

Nang lumipas ang ilang araw. Nagpost na sya ng madaming smule at dun nabuo ang Johnsters. Lagi kong inaabangan bawat videos nya. I always comment bawat post nya. Updated din ako sa kanya. Hindi talaga ako die hard fan. Promise.

I opened my laptop when I received a text message from my friend Anjelyn.

Si Anjelyn ay kaibigan ko since Grade 3. Bestfriend ko sya at katulad ko, isa din syang Johnsters. na patay na patay kay John.

"Coleen, may meet up si John sa mall malapit sa bayan bukas. Go ka ba?"

See? Katulad ko, updated rin sya kay John. Parehas nga kasi kaming patay na patay dun.

"Of course, hindi pwedeng wala tayo dun. See you Anjelyn" I replied to her.

Pagkatapos ko magreply kay Anjelyn. Nilapag ko na yung cellphone ko at sinimulan maghanap ng susuotin ko para bukas. Lagi ko inaabangan bawat mall shows at lagi ko ito pinaghahandaan. Dapat bongga yung isususot ko dahil if ever mapansin nya ako, hindi ako yung parang taong grasa na ewan. Sa ilang daang beses na may mall shows sya, hindi ako nakakaattend. Pangalawang beses pa lang 'to. Yung una ay yung may meet up sya sa SM North Edsa. Nakapunta ako dun at bongga talaga damit ko kasi first time ko yun.

fangirl | oneshot.Where stories live. Discover now