A Day to Remember
Jin's POV
Yay! February 14 ^__^ Valentines Day. For sure ibang iba valentines ko ngayon kasi si Gab na yung boyfriend ko :) I’m not expecting really big. Kagaya nga ng sinabi niya sakin dati, hindi daw importante yung valentines day, ang importante magkasama kami at pwede naman daw naming gawing Valentines Day ang araw araw. Nandito na ako sa classroom at kasama ko si Gab. May mga booths kasi dito ngayon at tinatamad si Gab magikot kaya dito na lang daw kami.
"Gab naman! Last year na natin to sa school kaya hindi masusulit kapag hindi tayo magiikot. May mga booths doon oh"
"Para saan pa? Marriage booth? Ikakasal din naman tayo sa susunod. Hindi na kailangan ng ganyan"
"Ang KJ mo! Ako na lang aalis magisa!"
Tumayo ako pero hinila niya ako kaya napaupo ako ulit.
"Wag ka aalis. Baka mamaya kung sino pa humila sayo tapos dalhin ka sa marriage booth. Hindi ako papayag"
"Samahan mo kasi ako. Saglit lang tayo. Gusto ko sa marriage booth tayo!"
"Ayoko. Dito na lang tayo"
Bigla niya akong niyakap tapos pinatagilid niya ako ng onti. Isinandal niya yung ulo niya sa likod ko at natulog -___- Ang galing niya!
"Ang sweet niyo dyan ah? -Steven
"Anong sweet dito? Tinutulugan lang ako"
"Sabi ko nga wala. Maiwan ko na kayo. Maghahanap pa ako ng chicks! Haha!"
Umalis na si Steven. Bigla namang humigpit yung yakap sakin ni Gab. Ang taba ng tyan ko ee >__<
"Honey ang bango mo" pabulong na sinabe niya
"Ui wag mo nga ako amoy amoyin dyan. Naiilang ako. Layo!"
"Ayaw ko"
"Tayo! Gala tayo dito sa school dali. Pinagbigyan na kita e"
"Sige na nga"
Hinila ko siya patayo pero may bigla namang pumasok sa room na mga students din at mga in charge sa booth.
"Nandito po ba si Jin?" tanong nung lalaki
"Nandito. Bakit?" sagot nung classmate ko
"May gusto lang pong mangserenade sayo"
Umupo na lang kami ni Gab. Katabi ko pa din siya ngayon.
"Kaya pala ayaw mo umalis ako. May plano ka palang ganito honey" bulong ko kay Gab
"Labas muna ko" -Gab
"Ang daya naman e"
"Kita na lang tayo sa ground floor"
Tumayo na siya at iniwan ako dito. Nagstart naman na kumanta. First time kong marinig yung kanta pero may part ng lyrics na tumatak sakin.