Way back...

12 0 0
                                    

"Lei! Ano yang pinapatugtog mo?! Hindi ko kamo maintindihan!"


Binulabog nanaman ako nung kapitbahay naming inaanak ni mama!


Tinignan ko siya ng taas ang kaliwang kilay (dahil hindi ko kayang pataasin ang kanan) habang nakakunot ang noo niya at nakasabunot ang isang kamay niya sa buhok.


Wow huh? Nakasandal pa siya sa pintuan ng kwarto ko at nakatingin sa sahig na para bang pinipilit intindihin ang musikang galing sa speaker.


Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sakanya!


"Ang pangit ng tugtog mo Lei! Pang china town ba yan?"


CHINA TOWN? REALLY? Oh my ghad.


Ang naaalala kong title ng tugtog na to ay Growl ng EXO, so panong magiging pang china?


"Naputok na yung utak ko sa tugtog mo Lei! Palitan mo na nga! Ang panget pa ng boses!"


Nine years old palang kami pero kung makapagsalita kala mo naman kung sinong teenager!


"May utak ka pala Troy? Eh bakit ba?! Eh di lumabas ka dito sa kwarto ko!" Pabalik kong sabi sa kanya


"Saka grabe ka kung makapagsalita dyan! Kala mo naman ang ganda ng boses!"


Nakakainis ha. Nakakasira ng araw tong batang to.


"Ayoko nga. Saka gusto mo kong makita diba?" WHAT?


"Wow huh! Ang kapal ng mukha mo boi!"


Tumawa lang siya sa harap ko


"Hindi ako magkakagusto sa mga taong hindi naa-appreciate ang mga bagay na gusto ko! Tignan mo nga, ngayon palang binabash mo na yung gusto ko!"


~~~~~~~~~~


Matagal tagal na rin pala nung huli kong nakita yung si Troy, simula nung lumipat kami ng bahay noon hindi ko na siya nakita, nakakamiss rin pala yung pangungulit niya. Okay enough! Back to reality na tayo...


Naalala ko dati sobrang haba ng pila sa ticket booth, nalate ako ng bili kasi exam week naming yon kaya sa huli Gen. Ad lang tuloy yung nabili ko, ang bilis naubos nung upper at lower box, eh kung VIP naman yung bibilhin ko baka naman baon ko na yon ng dalawang buwan?!


Hays! Nakakainis lang kasi bakit ba hindi mayaman sila mama nung pinanganak nila ako.


At ngayon concert ulit ng paborito kong Boy Band, At take note maaga na ko pumunta sa mall para makabili ng ticket


Kasalukuyang nakapila ako at nagtitiyagang tumayo ng matagal para lang sa inaasam kong ticket.


Bagot na bagot na ko nung may mahagip ang aking mga mata ng isang matangkad na lalaki, maputi at kita mo yung tangos ng ilong niya. Tinabingi ko yung ulo ko at sinuri ang buo niyang pagkatao (hahahaha buo talaga?)


Parang pamilyar yung itsura niya eh, nagulat ako nung bigla siyang lumingon sakin, tapos tumaas yung isang sulok ng labi niya at kinuha na yung ticket niya tapos umalis na. Ano yon? Napatigil ako sa-


"Ate! Baka naman gusto mo ng umabante?!"


Napatingin ako kay ateng sa likod at inirapan ko nalang siya at kinuha na yung ticket ko tapos umuwi na.


Kaimbyerna si ateng kala mo naman kung sinong maganda tss...

Now and Then (One Shot)Where stories live. Discover now