At ito na! Concert na! Nakabihis nako't lahat lahat at handa na para umalis.
"Eleinne!"
Palabas na ko ng pinto nang tawagin ako ng nanay ko, nanlaki ang mata ko ng nakita ko si mama
"MAMA! ANO BA YAN?!"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kay mama. Base sa nakikita ko nakasuot si mama ng bonet na pink at blue stripe, curly ang buhok na kulay red, SAAN TO NAGPAKULAY?!
Tapos yung damit niya sleeveless na grey with maong type na cardigan, nakaleggings din siyang black tapos may brown na palda na nakapatong with matching fur boots!
"Bakit Eleinne? Kamukha ko na si Sandara Park! Hihihi!"
OH MY GOODNESS!
"Mama alam mo mas nagmukha kang sisiw na binibili sa perya na nakadress up! Aalis nako mama! Dyan na po kayo!"
Narinig ko pang tinawag niya ko pero tumakbo nako palabas at baka mawalan pa ko ng upuan. Haynako, yung nanay ko talaga
Pagkapasok ko naghanap agad ako ng upuan sa harap pero wala ng space kaya sa gilid nalang ako, nakakita ako ng slot, nanlaki lang yung mata ko nung nakita ko yung lalaki sa mall
OMG! katabi ko siya! Di ko nalang siya pinansin at umupo ako sa tabi niya. Umilaw na yung stage hudyat na magsisimula na.
Ilang taon ko ng silang nakikita pero sobrang saya ko parin kasi nandito ulit ako.
Buong oras na yon ay inenjoy ko lang yung mga kanta nila na parang nag jajamming lang kami. Nakakapagod parin talaga pero worth it naman!
Paglabas ko ng venue may biglang humila ng kamay ko. Nagulat ako nang nakita ko si kuyang katabi ko kanina na hawak yung kamay ko...
"Lei..."
Napalunok ako sa sinabi niya
LEI, isa lang naman yung taong natawag sakin ng ganon
Si Troy.
Nakatulala lang ako sakanya at napanganga at iniisip kung bakit siya nandito sa concert ng paborito kong banda, na dati ay ayaw na ayaw niyang nakakarinig ng kahit anong kanta nila dahil hindi niya daw maintindihan
ANG GULOOOO
"Alam kong nagulat ka Lei, at siguro iniisip mo na din kung bakit ako nandito sa concert na to"
Hinayaan ko lang siyang magsalita
"Lei gusto ko lang patunayan sayo na kaya kong gustuhin ang mga bagay na ayaw ko, kaya kong intindihin lahat kahit hindi ko maintindihan..."
Maybe he's pertaining to the lyrics
"at higit sa lahat kaya kong i appreciate ang lahat lahat para lang sa... taong gusto ko"
Humigpit yung kapit niya sa kamay ko at lumapit pa siya lalo sakin. Hindi parin ako makagalaw sa gulat
"I miss you Lei, I miss you so much"
Halos bulong nalang yung pagkakasabi niya... Ngayon ko lang narealize na siya nga si Troy, ang tangkad na niya, yung kilay niya ganon parin.
Yung mata niyang kulay brown, yung matangos niyang ilong, yung buhok niya, miss na miss ko na nga pala siya, sobra sobra.
Niyakap ko siya.
Naramdaman kong nagulat pa siya pero unti unti niyakap niya din ako
"Namiss din kita Troy, sobra... Hindi na ko nakapag paalam sayo nung umalis kami nila mama. Sorry talaga"
Nakayakap parin siya sakin.
"Ayos lang yon, ang mahalaga yung ngayon. Lei, simula nung umalis ka sinubukan kong gustuhin yung mga gusto mo, kaya ako nandito. Iniisip ko lagi yung sinabi mo dati Lei, and guess what? Nandito na ko haha"
Nakakatuwa lang isipin na nagtiyaga siya para dito, yung dating ayaw niya, ngayon gusto na niya, yung dating naiirita siya kapag naririnig niya, ngayon napunta na siya sa concert kasama ko.
Hindi naman pala imposible lahat ng bagay kung gugustuhin mo.
Sabi nga nila,
"Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan."
Nakakatuwa lang kasi parang dati nag aaway pa kami sa harap ng speaker para sa mga tugtog tapos aawayin ko kasi ang pangit daw sa tenga nung music ko. Hays, lahat talaga ng tao nagbabago, minsan para sa sarili nila, minsan naman para sa taong mahal nila. At nakita ko yun kay Troy, nag bago siya para sakin, naging fanboy siya para sakin.
YOU ARE READING
Now and Then (One Shot)
Short StoryKaramihan sa mga lalaki hater ng Korean Pop diba? Nilalait lait nila. Kesyo ganto, kesyo ganyan. Why sudden? Isa na dyan si Troy. Pero kaya nya kayang gustuhin ang mga ito para lang sa babaeng gusto niya?