Kate's POV
"Kring!kring!" Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Its already 5:00 am
Lagi kong sini-set ang alarm clock ko ng 5:00 am. Para maghanda ng umagahan.Nakasanayan ko na ang gawaing yan. Natuto na rin akong tumayo sa sarili kong mga paa.
I am Kate Suarez 16 yrs. old. Grade11 students . I have 2 sisters at ako ang pangalawa. Lahat kami nag-aaral pa. Si ate kaye 20yrs. old, college student na sya at yung bunso na si kristine ay 14yrs. old, Grade 9 student. Sa private school sila , samantalang ako nasa public. Dati pare-pareho kaming nasa public school , mas gusto kasi ni papa yon dahil sa public school lang din sya nag-graduate. Pero simula ng umalis si papa sa bahay nilipat ni mama sa private school si ate kaye at si kristine kaya ako nalang ang naiwan sa public, pero ayos lang yon sa akin
Ako ang naghahanda ng kakainin at baon nila tuwing umaga. Sa gabi naman , hihintayin muna nila akong makauwi bago makapagluto ng kakainin nila.
Kaya kapag ginabi ako ng uwi, ay nako talagang lagot ako.
2years ko na tong ginagawa simula ng maghiwalay sila mama at papa. Papa's Girl ako kaya nung hindi pa sila naghihiwalay ni mama , ako ang prinsesa ng pamilya.
Dati hindi ako ang gumagawa ng gawaing bahay. Ang gawain ko lang dati ay mag-aral.
Pero ngayon bago ako pumasok sa school kailangan ko munang maglinis ng bahay.
Simula din ng maghiwalay ang mga magulang ko , lagi nalang galit sa akin ang nanay ko. Sa akin nya sinisisi ang lahat , natuto syang magsugal. Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi nya sa lahat ng nangyari.
Pagkatapos kong maghanda ng breakfast pumasok na uli ako sa kwarto ko para maggayak at makapasok sa eskwela.
"Kate! Nasaan yung damit ko!"-sigaw ni ate Kaye mula sa baba
Kinuha ko na ang i.d ko at agad agad akong lumabas ng kwarto ko.
"Alin pong damit ate?" tanong ko
"Yung damit ko na kulay pula. Siguro itinago mo yon hano? Para may magamit ka." Sumbat ni ate Kaye
"kinuha nya yon ate Kaye para makaranas naman sya magsuot ng bagong damit"sulsol ni Kristine habang kumakain
Kahit kelan talaga tong si Kristine na to , laging nakikisabat sa usapan .
"Ah. Ate wala po sa akin , baka naman po na misplaced nyo lang"sagot ko
"Ah ganon? So ano gusto mong palabasin? Na burara akong babae?" Sigaw ni ate
"Aistt. Ano ba yan? Ang aga-aga ang ingay nyo" sabi ni mama habang papalapit kung saan kami naroon ni ate
"e eto kasing magaling nyong anak , kinuha yung damit ko. Paano na yung declamation namin ano isusuot ko?"sumbong ni ate kay mama
"Pero ma hin....." naputol ang sasabihin ko ng biglang dumapo sa pisngi ko ang kamay ni mama.
"Sino nagsabi sayo na pwede ka ng sumagot ng ganyan ha? Hoyy ikaw babaeng pangit na nakasalamin umalis kana nga sa harap ko at baka kung ano pang magawa ko sayo. Alis!"bulyaw sa akin ni mama habang tinutulak ako palabas ng bahay.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang nag-aabang ng sasakyan para makapasok.
Ang sakit pala kapag sa sarili mong magulang nanggaling ang panlalait. Oo hindi ako maganda , nakasalamin , nakalugay ang buhok. In short , I am a nerd person. Kaya nga walang may gusto sa akin e
Pero kakayanin ko to. Nag promise ako kay papa at sa sarili ko na tutuparin ko ang pangarap namin.
------*
:)