CHAPTER 2

19 0 0
                                    

Kate's POV

"Ouch!" daing ko ng may kung anong tumama sa ulo ko.

Nang tiningnan ko kung ano iyon , bola pala ng volleyball. Nandito ako ngayon sa field kung saan may mga nagpapractice ng iba't-ibang sports.

"Owww. Sorry Ms. Nerd , ikaw kasi e pahara-hara ka sa daan. Ayan tuloy natamaan ka ng bola Hahaha!" pang-aasar na sabi ni Lyka .

Pinagtawanan nanaman ako ng lahat ng nakapaligid sa akin at syempre pinapangunahan iyon ni Lyka , Jasmin at Liza. Sila ang 'tres marias' dito sa school. Halos lahat ng estudyante ay takot sa kanila.

Naglakad na ko papuntang room. Hindi ko nalang sila pinansin dahil alam kong wala namang mangyayari.

7:28 na at dalawang minuto nalang at darating na ang aming guro.

Nakikita ko na ang mga kaklase kong nag-aayos ng upuan .

Nakita kong pumasok na rin si Mrs. Mariano kasabay nito ang tres marias na for sure ay sumisipsip nanaman.

Paano ko alam? Syempre sa tagal ba naman ng pagiging magkaklase namin ay hindi ko pa malalaman. Alam na namin ang istorya ng isa't-isa.

"goodmorning"

"goodmorning ma'am" sabay sabay naming bati kay Mrs. Mariano.

"sit down. Today is the releasing of your card at sasabihin ko din ang mga kasama sa Top." Panimula ni Mrs. Mariano

Nagbulungan ang lahat. Na-e-excite sila na masama sa top. Pero ako tahimik lang.

"Okay ang pang 10 natin ay si Mr. Lopez , pang 9 ay si Ms. Cruz , pang 8 ay si Mr. Garcia pang 7 ay si Mr. Del Rosario pang 6 ay si Ms. Ramos ......"
Sunod sunod na nga na binanggit ni Ma'am ang mga top.

"And our top 3 is Mr.Flores , top 2 ay si Ms.Suarez at ang ating top 1 ay si Lyka Gamboa"

hindi na ko nabigla sa sinabi ni maam . Lagi naman akong top2 e , syempre si Lyka ang pang 1 dahil malakas ang impluwensya ng pamilya nya sa school.

Mabuti nga at nasama pa ko sa Top.

Pagkatapos ng klase ni Mrs. Mariano ay pinauwi na kami dahil wala na daw klase at may meeting ang lahat ng teacher.

Halfday lang ang pasok namin ng MWF at whole day naman kapag TTH.

Nang saktong papalabas na ako sa gate ng school ay may humila ng braso ko at sakto namang pag tumba ko.

"Hahahahaha! nakakaawa naman yang nerd na yan"narinig kong sigaw ni Liza.

Eto nanaman ang tres marias, they always ruin my life. Wala naman ng bago kaya lang nakakasawa na.

"Congrats ha nakasama ka sa top" sabi sa akin ni Lyka habang hinihila ang buhok ko ay pilit akong ipinapantay sa kanya.

"Ta-tama na Lyka. Nasasaktan ako"pagmamakaawa ko

"oww? Nasasaktan ka?" Sabay bitaw nya sa buhok ko

Akala ko tapos na pero akala ko lang pala ang lahat. Hinila nila ako papuntang cr.

Inilublob nila ang mukha ko sa timbang punong puno ng tubig.

Simula na kasi ang meeting ng mga teachers kasama ang mga utility ng school. Kaya ayos lang kahit anong gawin ng mga estudyante dahil walang babawal sa kanila.

"Tama lang yan sa babaeng poor tulad mo"sabi sa akin ni Jasmin habang nakalublob pa din amg mukha ko sa tubig.

Feeling ko anytime mawawalan na ko ng hininga. Nanlalabo na ang paningin ko dahil nalaglag din ang salamin ko kanina habang hinihila nila ako.

Wala na kong naririnig kundi tawanan nila . Ang mata ko ay unti unti ng pumipikit

"Tama na yan. Ms. Lyka Gamboa , kapag hindi nyo itinigil yan isusumbong ko kayo sa guidance" tinig ng isang lalaki , ngunit hindi ko malaman kung kanino dahil sa nawawalan na ako ng malay. Pero kung sino man sya , malaki ang pasasalamat ko sa kanya.

Pretty NerdWhere stories live. Discover now