33

134 14 0
                                    

[Mark's]

Nakaupo ako ngayon dito sa gilid. Humihikbi si tita at tinatahan naman siya ni tito. Si Naryn naman ay paikot ikot dito sa harap ko. Natataranta siya.

"Yeobo.. N-nangyari na naman.." Nanginginig na sambit ni tita. Yumuko nalang si tito at niyakap ng mahigpit si tita. Hindi sila makapaniwala na naulit na naman ang dating nangyari.

Ang kinalimutan at ang hinanakit na nakaraan.

"I-i'm sorry tita. Kasalanan ko to. Kung sinundo ko lang siya ng maaga.. Hindi to mangyayari.." Naluluha kong saad.

Ramdam ko ang pag iling ni Naryn. "Hindi mo kasalanan, dude. Ako ang may kasalanan.. Iniwan ko kasi siya at di sinabay dahil may pupuntahan ako." Sabi nito at inuntog ang ulo sa pader.

Biglang bumukas ang pinto ng ER. Lumabas ang babaeng doktor.

"Sino ang pamilya ng pasyente?"

-

[A/N] Bakit nasagasaan si Nayeon?

NayeonieWhere stories live. Discover now