Uhmm... hanggang kailan mo ba ako patuluyin dito?" nahihiyang tanong ni Isy.
"Kung hanggang kailan mo gusto. Halika, umupo ka dito mangalay iyang mga paa mo," turan niya.
"May pasok ka ba bukas?" tanong niya rito.
"Yes."
"Anong oras?"
"Alas-otso, pero alas-siyete ay aalis na ako," tugon rito.
"Anong oras ka uuwi?" muling tanong niya.
"Alas-onse nandito na ako," sagot niya.
"Okay po. Isang tanong na lang. Ano ba ang madalas mong kinakain sa umaga?"
"Hindi ako kumakain ng kanin sa umaga; bread, coffee, eggs, hotdog. Iyan lang ang madalas kong kinakain," tugon ni Marshal at ang lahat ay kaniyang tinandaan.
"Okay. Salamat."
Hanggang sa pumasok na sila sa kani-kanilang kuwarto dahil oras na nang tulugan at naging maayos naman ang pagpahinga ni Daisy. Sapagkat malapad ang kaniyang higaan at malambot pa ito. Unlike sa kanila na double bed ang higaan nila ng kaniyang Ate.
Kinabukasan ay maagang gumising si Isy para ipaghanda ng agahan si Marshall. Maingat siyang nagtungo sa kusina upang hindi magising ang binata.
Nagluto siya ng fried eggs at nagpakulo na rin siya ng tubig.
Pagkatapos ay hinanda na niya ang lamesa. Nilagay niya ang sliced bread sa plato at naglagay rin siya ng tasa. Nang matapos siyang nakapaghanda sa lamesa ay naglinis naman siya sa kabuuang sala.
Tamang-tama naman ang paglabas ni Marshall dahil tapos na siya sa lahat ng gawaing bahay.
"Good morning!" bati ni Isy.
"Good morning too! Bakit ang aga mong gumising?" tanong niya rito.
"Sanay kasi akong gumising ng maaga," saad niya.
"Wow!" Napangiti si Marshall nang makita niya ang lamesa na mayroon ng agahang nakahanda.
Umupo ito at dali-dali namang kinuha ni Isy ang mainit na tubig at sabay buhos niya sa tasa.
"Thank you!" nakangiting sabi ni Marshall na halatang nagustuhan niya ang ginagawa nito.
"Sabayan mo na ako," alok niya rito at umupo naman si Isy.
Hanggang sa matapos silang kumain at tinulungan siya ni Marshall sa pagliligpit.
"Anong gusto mong pasalubong?" tanong ni Marshall at nakangiti ito.
"Kahit wala na, ang importante makauwi kang safe," tugon niya.
"Bye..." paalam ni Marshall at sabay halik niya sa pisngi ni Isy, at nabigla naman ang buntis. Subalit hindi niya iyon binigyang ng kahulugan.
"Bye... ingat po kayo."
"Okay. Bye, baby..." sabi niyal na bahagyang hinimas ang isang buwang tiyan ni Isy.
HABANG wala si Marshall ay inayos niya ang kuwarto nito at kahit ang sahig ay kaniyang pinunasan ang lahat ng kalat ay kaniya ring iniligpit. Nang matapos siyang maglinis ay nilabhan naman niya ang mga duming gamit ni Marshall. Merong automatic washing machine sa loob ng banyo ni Marshall, ngunit ang problema ay hindi siya marunong gumamit. Kaya ang ginawa niya ay kinamay na lang niya ang mga labahan at dahilan para magkasugat-sugat ang kaniyang mga kamay.
Pero hindi iyon iniinda ni Isy, dahil para sa kaniya ay maliit na mga sugat lang iyon at madaling maghilom. Ngunit ang sugat ng kaniyang puso ay walang kasiguruhan kung kailan maghihilom.
Nang matapos siyang maglaba ay nagluto na naman siya ng tanghalian nila ni Marshallat, adobong manok ang kaniyang niluto at corn soup.
"Buti na lang marunong akong magluto at kahit papaano ay nakatulong sa akin. Tama si Mama, na ang lahat niyang tinuturo sa amin ni Ate ay mapapakinabangan namin pagdating ng panahon kung sakaling kami ay nasa bahay ng ibang tao," bulong niya at hindi nito mapigilan ang mapaluha dahil naiisip niya ang pangaral ng kaniyang ina na ang lahat ay tama.
"Patawarin mo ako, Ma, Pa," aniya sa mahinang boses .
Tamang-tama alas-onse ay dumating si Marshall at nakahanda na ang lamesa. Sa mga oras nang iyon ay nasa loob ng kuwarto si Isy at nakahiga at dahil may susi si Marshall kaya hindi na siya nag-doorbell. Maingat niyang binuksan ang pinto sapagkat ayaw niyang maistorbo ang bisita.
"Wow!" Napangiti na naman siya, nang makita nito ang lamesa na may nakahandang pagkain. Nagpalinga-linga siya sa paligid at natuwa ito dahil sobrang linis ang buong loob.
"Isy..." masigla niyang tawag.
"Po?" tugon ni Isy at dali-dali siyang bumangon.
"Hi!" bati ni Marshall at sabay halik na naman niya sa pisngi nito.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" nakangiting tanong niya rito.
"Good!" maikling tugon niya.
"Ummm... siyanga pala, Isy. Ito pasalubong ko. Mga prutas at iba pa. Pinamili rin kita ng personal needs mo," sabi rito.
"Naku! Hindi ka na sana nag-abala Marshall. B-baka makulang na iyang allowance mo." Pag-alala niya.
"It's okay, Isy. May konting ipon pa naman ako," tugon niya.
Binuklat niya ang pasalubong ni Marshall sa kaniya. "Ano ito?" tanong niya dahil hindi nito alam kung ano iyon.
"Cross Stitch iyan para kung wala kang ginagawa dito, iyan ang gawin mong libanngan," pahayag niya.
"Salamat talaga nito."
"Kumusta pala si baby?"
masayang tanong niya.
"Okay lang naman raw siya!" nakangiting tugon nito.
Sa pagyuko ni Marshall ay nakita niya ang namumulang mgq kamay ni Isy at may mga konting sugat ito. Agad niya itong hinawakan at tiningnan.
"Anong nangyari dito?" pagtatakang tanong niya.
"Ah, wala ito!" tugon niya na may kasamang mapaklang ngiti at agad binawi ang kamay.
"Anong wala?! Meron, oh!" aniya, at muling kinuha ang kaniyang kamay.
"Ummm... nilabhan ko kasi ang mga labahan at sapin ng higaan mo, at pasensiya na nangingialam ako,"
nakayukong sabi rito.
"Oh... really? Anyway, thank you! Pero sana hindi mo kinamay dahil may washing machine naman sa loob ng aking banyo," nakangiting tugon ni Marshall na halatang masaya siya sa ginagawa niya.
"Oo nakita ko naman pero hindi kasi ako marunong gumamit."
"Hayaan mo tuturuan kita pero puwede mo namang hindi gawin iyan kasi may taga laba naman na nagpupunta dito, every Saturday at siya rin ang naglilinis," paliwanag niya.
"Ummm... huwag mo na lang papuntahin dito, ako na ang gagawa sa lahat para kahit papaano masuklian ko man lang ang pagtulong mo sa akin," turan niya.
"Isy, tinulungan kita kasi magaan ang loob ko sa iyo, hindi kita tinulungan para gawin ka lang katulong dito."
"Alam ko naman iyon, pero hayaan mo na lang ako, Marshall. Masaya naman ako sa aking ginagawa."
"Okay... Sabi mo iyan, eh! Tara na kumain na tayo!" wika ni Marshall, sabay hila niya sa buntis.
Nang matapos silang kumain at makapagligpit ay tinawag ni Marshall Isy.
"Bakit po?" tugon naman niya nang makalapit ito.
"Maupo ka dito at gagamutin ko iyang sugat mo," aniya.
Umupo naman siya sa tabi at kinuha ni Marshall ang kaniyang kamay at ipinatong sa kaniyang hita sabay punas niya ng ointment cream.
BINABASA MO ANG
KATORSE NEW REPLICA
RomanceKATORSE NEW REPLICA Genre:EROTICA Author:Jhyne Juntilla KAYA BANG PIGILAN ANG INIT NG KATAWAN SA DALAWANG NILALANG NA NAGMAMAHALAN?