Chapter Two: Mischievous

1.1K 36 9
                                    

(Shannon)

Iniabot ni Devlin sa'kin ang attendance paper para sa PE, wala ang teacher kaya't attendance lang muna kami ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iniabot ni Devlin sa'kin ang attendance paper para sa PE, wala ang teacher kaya't attendance lang muna kami ngayon. Joint class ng grade five section Diamond and Sapphire dahil sa nag-emergency iyong teacher para sa section Sapphire, ang section ko. I hated Physical Ed, I hated anything that has anything to do with physical fitness. I hate sweating. Mabuti na nga lang at hindi rin naman pumasok ang PE teacher ng Diamond na klase ni Devlin.

"Isulat mo nalang ang pangalan ko diyan." Sabay nguso sa papel habang nakapangalumbaba ako sa arm chair ng upuan.

"Hindi ko alam ang apelyido mo." Pagdadahilan nito. At muling iniabot sa'kin ang papel.

"Pwede rin naman apelyido mo. Pasasaan ba't magiging apelyido ko rin 'yan. Breanna. En. Car. Na. Cion." Hindi ko mapigilang mapangisi ng sinamaan niya ako ng tingin. "Mrs. Devlin. Kino. En. Car. Na. Cion." Mas lalo kong pang-iinis rito. Padaskol itong tumayo at padabog na inilapag ang papel sa armchair ko.

"Don't even dream about it." Namulsa ito bago tuluyan tumalikod at umupo sa silyang katabi ni Shannon. Nagtagpo ang mata namin ni Shannon. Pa-simple itong nagtaas ng kilay sa'kin habang nakaangat ang isang sulok ng labi nito. Probably mocking me. I mirrored her expression. Iyon namang saktong lingon ni Devlin sa'kin. Agad na nagsalubong ang kilay niya sa'kin.

Kinindatan ko lang siya. He squinted his eyes. Saka napailing.

 


Nakita ko si Devlin na nakaupo sa isang bench sa mini forest ng campus. Nakapikit ito at nakikinig ng music gamit ang headset. Katabi nito si Shannon. Hindi ko alam kung bakit parang hindi mapakali si Shannon sa pagkakaupo, panay ang tingin kay Devlin at sa labi nito.

Nang mapansin kong lumapit ng upo si Shannon kay Devlin, masama na agad ang kutob ko. Mabilis akong tumakbo ng pumikit si Shannon, huminga ng malalim at lumingon kay Devlin. Unti-unting lumapit ang mukha ni Shannon habang nakapikit kay Devlin. Agad kong hinarangan ang paglapat ng labi ni Shannon, malapit sa labi ni Devlin. Nagulat naman silang pareho sa ginawa ko.

"Breanna? W-what? What is it this time?" Gulat na ibinaba ni Devlin ang headphones papunta sa leeg. Mabilis ko naman itong hinigit patayo. Sa ayaw at gusto niya, nahila ko siya kasi nga malusog ako.

"This sly fox was trying to steal a peck from you." Sinamaan ko ng tingin si Shannon habang ipinapahid ang kamay kong nalapatan ng labi niya sa uniform ni Devlin.

"What are you doing, Breanna?" Mas napansin nito ang ginagawa ko kaysa sa sinabi ko. Mataray kong nilingon si Devlin.

"Ikaw. Gusto mong magpahalik sa social climber na'to?" Pinandilatan ko siya. Namula agad ang tenga ni Devlin.

The Chasing GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon